Thursday , November 14 2024

Ang political dynasty ay equivalent daw sa family of doctors?! (Sabi ni Sen. Nancy Binay)

00 Bulabugin jerry yap jsyMATINDI ang naging reaksiyon ng isang Dr. Toto Carandang at ng University of the Philippines – Philippine General Hospital (UP-PGH) doctors sa pahayag ni Sen. Nancy Binay na ang dinastiya ng angkan sa politika ay gaya rin ng pamilya ng mga doktor.

Aba ‘e nag-trending ang komentaryo ni Doc Carandang  at ng UP-PGH doctors dahil talaga namang supalpal ang argumento ni Sen. Nancy para lang huwag pumabor sa Senate Bill 2649 (Anti-Political Dynasty Bill) na inihain ni Senator Miriam Defensor-Santiago noong 2011.

Ani Dr. Carandang, “Doctors earn their degrees rather than depending on popularity or by democratic voting.”

Sinabi naman ng UP-PGH doctors, “It’s sad you had to use that analogy to justify your rejection of the Anti-Dynasty Bill. People probably know the real reason behind it. And I think it’s not really because of a noble family practice or occupation.”

Dapat siguro ‘e hindi basta hinahayaan ni Vice President Jejomar Binay na nagsasalita si Sen. Nancy ukol sa mga bagay na parang hindi naman niya naiintindihan.

Nanghihinayang tayo na hindi naging singgaling ng kanyang ama si Sen. Nancy gayong itinaya ni VP Binay ang kanyang mga naipundar sa politika para isabak sa nakanenerbiyos na laban ang kanyang ‘underdog’ na anak sa nakaraang eleksiyon.

Sablay at kumakabyos ang mga rason ni Sen. Nancy kaya lutang na lutang na naghahanap siya ng alibi para lusutan ang isyu ng political dynasty.

Sabi nga, sa politika, it pays to be loyal… pero kapag nagigipit na, it pays also to be honest.

Kung hindi nahihiya ang pamilya Binay na ang buong pamilya nila ay isinoga na nila sa politika, at isa sa target ng Anti-Political Dynasty bill, sana, naging honest  na lang siya sa pagsagot…

Pwede naman niyang sabihin ang ganito: “Gusto ko man bumoto sa Senate Bill ni Sen. Miriam ‘e magiging awkward naman sa buong pamilya… remember that my Dad is VP of the Philippines, my brother is chief executive of Makati City and my sister is representative of Makati City in the Lower House.”

O ‘di ba?!

Honesty is the best policy, ang tawag d’yan, Sen. Binay. ‘Yun nga lang, direktang pag-amin din ‘yan. 

Ang isa pang nakalulungkot dito, alam nating lahat na hindi lamang mga Binay ang may dinastiya a politika, sa antas lokal at nasyonal.

Nariyan ang mga Marcos, Singson, Romualdez, Ejercito-Estrada, Cojuangco, Castelo, at marami pang iba lalo sa malalayong probinsiya gaya ng mga Ortega at Dy.

Pero bakit hindi sila nakakaladkad sa isyu ng political dynasty ngayon?

Tahimik kasi sila, hindi maingay at hindi naghahangad ng mas mataas na posisyon kaya hindi nakakaladkad sa isyu?!

Kumbaga, kasama ‘yan, VP Binay sa pagdaraanan ng pamilya ninyo sa paghahangad na masungkit ang pinakamataas na posisyon sa politika at target na manahan sa Malacañang.

Ibig sabihin, dumaraan kayo ngayon sa ‘obstacle run’ kumbaga. At kapag nalampasan ‘yan ng mga Binay, ‘e malaking porsiyento na masungkit ninyo ang puwesto sa Malacañang.

Pero… may malaking pero, matutulog lang ba ang mga Araneta-Roxas para ibigay sa inyo nang walang kahirap-hirap ang Palasyong minsan na nilang pinanahanan?!

Ito na lang ang pakonsuwelo, VP Binay, huwag ninyo itong kalilimutan, “hindi pinupukol ang punong Mangga kung hindi hitik sa bunga.”

Ewan lang natin kung aplikable sa inyo ang kasabihang ‘yan.

‘Yun lang po!     

Sen. Chiz Escudero bagman or hatchet man ni Sen. Grace Poe?

TUMITINING ang mga bulungan sa coffee shops na nabubuo na raw ang alyansa nina Senators Chiz Escudero at Madam Grace Poe.

Hindi pa lang sigurado kung ang kanilang alyansa ay para sa pagta-tandem o magsisilbing ‘kingmaker’ si Chiz o political operator para kay Sen. Grace.

Pero ang definite raw, magkasama sila.

Depinidong hindi sa UNA. Pero mayroon pa rin nanghuhula na baka sa Liberal Party.

Kamakalawa, nagsalita si Sen. Tito Sotto, ang dalawa ay magsasama umano sa Nationalist People’s Coalition (NPC).

Kung totoo ito, malaki ba ang tsansa na magtagumpay ang pagsasama ng dalawa?!

Pero hanggang ngayon nanatili ang kuwestiyon, ano ang papel ni Sen. Chiz sa kandidatura ni Sen. Grace? Bagman, hatchet man o political operator?

Apat na buwan lamang, at maghahain na ng kani-kanilang kandidatura ang mga nagbabalak pumalaot  sa 2016…

Aabangan natin ang nakapananabik na politika-serye na ‘yan!

Palpak ang road repair/construction ng DPWH

BOSS JERRY, hindi pa pormal na nag-uumpisa ang tag-ulan sa Metro Manila. Sabi nga ng kapitbahay namin, pa-thunder-thunder storm pa lang, pero kapag bumuhos na ang malakas na ulan, bumabaha na sa Maynila at Quezon City. ‘E para saan pala, ‘yung stressful na traffic na nakasalubong natin nitong nagdaang summer dahil sa sandamakmak na road construction and repairs?! Hanggang ngayon ang ami pang ginagawang kalsada. Ano ‘yan, para ipasira  na naman sa ulan?! DPWH magtrabaho kayo nang tama, huwag puro pabaon ang ilagay ninyo sa mga tuktok ninyo!

– email withheld upon request

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *