Saturday , November 23 2024

Mar Roxas ikaw na talaga sa 2016!

00 Bulabugin jerry yap jsyBUO na ang konsesyon ng Liberal Party at sabi nga ‘e mga haciendero at naghaharing-uri — si Mar Roxas na ang kanilang isusulong para sa 2016 elections.

Huwag po tayong maiinip dahil apat na buwan na lang, mag-uumpisa nang maghain ng kanilang mga kandidatura ang mga tatakbo sa 2016.

Mabilis na mabilis lang po ‘yan — mula Oktubre 12 hanggang Oktubre 16, 2015 ang filing ng candidacy.

Kaya malamang sa darating na Undas sa 2015, aarangkada na ang mga epalitiko.

Sabi nga ng nasa AB crowd, tiwala sila kay Mar dahil walang sabit.

Walang kinasasangkutang ano mang anomalya gaya ng tongpats, kickback o overpriced.

Kaya nagulat tayo nang mangarap si VP Jejomar Binay, na siya umano ang bet ni Pnoy.

Hello!? Kailan pa, Jojo?!

Anyway, malaking adbentaha ito para sa Liberal Party kung ngayon pa lang ay itinatakda na nila kung sino ang dadalhin nilang kandidato.

Kumbaga maaga pa lang ay handa na sila. Madali na ang adjustment kung magkakaroon man ng mga pagbabago.

Good luck, SILG Mar Roxas… hit the mark!

Tiangge sa Curva Antiqua Brgy. Sto. Cristo CSJDM, Bulacan, dinarayo rin ng snatcher, salisi at mga mandurukot

AKALA natin, sa Divisoria lang nagkalat ang mga OSDO gaya ng salisi, snatcher at mandurukot.

Aba, meron na rin pala riyan sa tiangge sa area ng Curva Antiqua sa Brgy. Sto. Cristo, City of San Jose del Monte, Bulacan.

Ang tiangge po rito ay tuwing araw ng Sabado, mula 5:00 ng madaling araw hanggang 12:00 ng tanghali.

Isang kabulabog natin ang nabiktima ng mabilis  pa sa alas-kuwatrong mandurukot.

Nang tangkain niyang sundan at habulin ang mandurukot, hinarang siya ng dalawang lalaki at isang babae na kunwari ay nagtatanong kung ano ang nangyari. Pero sa totoo lang nilansi lang siya para hindi na masundan ng mata niya ‘yung lalaking nandukot ng cellphone niya.

Ang sabi nga ng kabulabog natin, ang mura ng avocado, sariwa pa at siguradong organic, P30 per kilo plus cellphone.

Tsk tsk tsk…

Sa totoo lang, maganda ang hinaharap ng tiangge sa Barangay Sto. Cristo  dahil bagsakan ng local produce. Maraming lokal na magsasaka mula sa Skyline, Paradise, Brgy. San Isidro, Norzagaray at iba pang karatig lugar ang nagbabagsak ng kanilang mga pananim sa nasabing tiangge tuwing araw ng Sabado. 

Pero kung ganyang napapasyalan na ng mga mandurukot, aba, baka matakot na rin ang mga namimili?!

Barangay Chairman Noel Sagala, baka hindi pa po ninyo nalalaman na dinarayo na ng mga mandurukot ang tiangge sa Curva Antiqua. Pakirekorida lang po baka kasi marami nang nabibiktima at hindi lang nagrereklamo dahil iniisip nilang abala lang.

Ilang metro lang daw po ang layo niyan sa inyong barangay.

Pakipasadahan na lang po tuwing may tiangge.

Aabangan po namin na masakote ninyo ang tingin natin ‘e mga notoryus na mandurukot.

Duterte laban sa lahat ng masama at tiwali

LUZON, Visayas at Mindanao! Wala nang sira ulo kapag si Rodrigo Duterte na ang president. Papatayin ang lahat ng mga gago at pati na rin ang mga kurakot sa gobyerno. Kaya Duterte tayo. Kamay na bakal ang ka-ilangan sa Pilipinas. Humanda na kayo kay Duterte isinilang na ang taong walang takot na papatay sa mga paway sa buong Pilipinas. Duterte for president.

Matapang at walang takot pumatay sa taong masama supported by all people of Mindanao. #+63909635 – – – –

Agrabyado ang mga sekyu

BAKIT gahaman mga agency at pati mga colorom puro kupit at delay din ang shod nga mga guardya at pababaan ng biling pra makakuha lng ng client tpus guardya ang mag-susfer s maliit n sahud bkit po hindi po nadagdagan ang sahod ng mga taga Baguio lalo npo sa mga guardya dpa nagdagdag yung increase na 15 pesos. Bkit kaya po ang myayaman pag nagnkaw mganda tret s kanila at ang iba dnkukulong, pagmhrap kulong agad at panget ang trato nila pagmhrap ganun tlga ang may kapngyarihan. Dpat tlga sir, d n dinagdagan ‘yung k12 naghihirap na nga mga tao sa pang-tuition at kramihan d n cla makapgaral nagdagdag na naman cla pra daw tumalino ang tao pero ang totoo ‘yung ibang matalino ay bobo dhil karamihan s knila d marunong magtgalog, dba muna n patagal ang subject n tgalog dba sbi nga ang hindi pagtanggal s sariling wika ay mbaho p s nbubulok n isda  #+63918583 – – – –

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Mayor Joy B., muling pinarangalan ng CSC; 4,025 QCitizens, nilektyuran ng QCPD vs terorista, etc.

AKSYON AGADni Almar Danguilan SANA ALL. Ang alin? Sana all ng alkalde sa National Capital …

Firing Line Robert Roque

Alerto sa backlash

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. PARA sa isang analyst sa United States, isa ito …

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *