Wednesday , November 20 2024

Road convergence ng DOT at DPWH quo vadis!?

dpwhANO ba naman ito?  Ang sakit sa head!

Sa simpleng pagkakaalam ni Juan dela Cruz sa sistema ng appropriation ng Kongreso, ang lahat ng kailangan at dapat na gastusin sa buong taon ng bawat departamento ay isinusumite sa Kongreso para ang mga makokolektang buwis mula kay Juan dela Cruz ay magamit nang tama at maayos. Ganoon kasimple lang ‘di ba?

‘E Bakit nauubos ang pondo sa isang proyekto na nakatengga lang!?

Ang Road Convergence ay isa sa mga proyekto ng DOT at DPWH para sa mga tourist destination sa ating bansa. Matagal na ang proyektong ito. Katunayan maraming mga kalsada ang nagawa na. Tapos na para madaling mapuntahan ng mga turista ang magagandang lugar sa ating bansa.

Ito ‘yung daan maliit man o malaki patungo sa liblib na lugar upang matunghayan ang kagandahan ng isang lugar na biyaya ng Kalikasan.

Sa hearing na ginawa ng Komite ng Department of Public Works and Highways and Department of Tourism (DPWH-DOT) Convergence Program, lumalabas na may infra projects ang programang ito na mga bitin at hindi pa natapos.

What the fact!?

Kaya naman gustong linawin ng Kongreso na bakit ganyan ang nangyari sa nasabing pondo?

At saan napunta ang pondo para rito na inaprubahan ng mga deputado pero nakatiwangwang lang at hindi matapos-tapos ang proyekto!?

Aba’y salapi ng bayan ‘yan!

Gusto namin malaman ang detalye kung bakit hindi natapos ang mga road convergence, nabitin ba ang pondo, kapos ba o sapat ang pondo? May ibang dinaluyan na kung saan napunta ang kuwarta ng bayan?

Hindi ba’t sa proposal ng DPWH at DOT ay nakasaad kung saang lugar magkakaroon ng road convergence, naka-estimate o nakadetalye kung magkano ang guguguling halaga para sa proyekto at ito ay inaaprubahan naman sa plenaryo ng Kongreso.

Katunayan ay binubusisi nang husto ito!

Minsan naman, ang ilang representante ay nagtatampo pa lalo na kung ang distrito nila ay walang tourist spot, ‘di ba, mga  kaibigan natin diyan sa DPWH?

Pero ang urirat ni Juan dela Cruz, bakit nagkagayon?! Ipaliwanag ninyong mabuti sa bayan dahil hindi isang kusing ang usapan dito kundi bilyong piso mula sa kaban ng bayan!   

Aba’y quo vadis road convergence at pera ni Juan!? 

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *