MINAMADALI nang ayusin ng National Bureau of Investigation (NBI) ang selda na paglilipatan sa tinaguriang “Bilibid 19” makaraan nabuking ng mga pulis na may ipapasok na naman sanang dalawang cellphone at isang pocket wifi sa kanilang selda.
Ayon kay Atty. Virgilio Mendez, Director ng National Bureau of Investigation (NBI), narekober sa bisita ng inmates ang dalawang cellphone at pocket wifi makaraan ang sorpresang inspection.
Dahil wala silang nakikitang karagdagang kaso na puwedeng isampa sa high profile inmates sa tangkang pagdadala ng cellphone ay inaayos na nila ang lilipatan sa mga preso.
Posibleng paghiwa-hiwalayin aniya ang inmates.