Friday , January 9 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Mag-uutol tiklo sa rape vs 15-anyos dalagita

TAYABAS City – Makaraan ang limang taon, nadakip ang tatlong magsasakang magkakapatid na gumahasa sa isang 15-anyos dalagita sa Brgy. Poblacion, Tayabas City.

Ang biktima ay itinago sa pangalang Abigail, residente ng naturang lungsod.

Habang detinedo sa lock-up Jail ng Tayabas PNP ang magkakapatid na sina Limson Perlas Mayores, Eugene Perlas Mayores, at Rizaldy Perlas Mayores, pawang ng nasabi ring lugar.

Sa Ipinadalang report ng Tayabas PNP sa Camp Guillermo Nakar sa tanggapan ni Senior Supt. Ronaldo Genaro Ylagan, Quezon PNP Provincial Director, naganap ang panggagahasa dakong 10 a.m. noong Pebrero 2010.

Ayon sa biktima, pauwi na siya sa kanilang bahay nang masalubong niya ang tatlong suspek na sapilitan siyang dinala sa isang madamong lugar at halinhinana siyang ginahasa.

Pagkaraan ay nagbanta ang mga suspek na papatayin siya kapag may nakaalam sa nangyari kaya inilihim niya ang insidente sa nakaraang limang taon.

Ngunit kamakalawa ay nagpasya ang biktima na ipagtapat sa mga magulang ang insidente.

Bunsod nito, nagpasya ang mga magulang na magreklamo sa himpilan ng pulisya na nagresulta sa pagkakadakip sa mga suspek.

Raffy Sarnate

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Goitia BBM Liza Marcos

Goitia: Ang mga Paratang na Ito ay mga Sadyang Kasinungalingan

Diretsuhin na natin. Ang kumakalat ngayon online ay mga huwad at mapanirang paratang laban kina …

Manila

Para sa Traslacion 2026
Trabaho, klase sa Maynila suspendido Liquor at firecracker ban ipinatupad

HATAW News Team INIANUNSIYO ni Manila City Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso nitong Lunes, 5 …

Clark Pampanga

Sa Port of Clark, Pampanga
HIGIT P7-M ECSTASY NASABAT

NAKOMPISKA ng mga awtoridad ang higit sa p7-milyong halaga ng pinaniniwalaang ecstasy na nakapaloob sa …

Nicolas Torre III MMDA

Gen. Nicolas Torre III bagong MMDA GM, ops chief at tagapagsalita ng ahensiya  

MALUGOD na tinanggap ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) si Undersecretary Nicolas Torre III bilang …

explosion Explode

Kabahayan, mga bus nasira dahil sa pagsabog ng ‘deadly firecracker’; 4 timbog, 1 pa pinaghahanap sa Bulacan

NAARESTO ng mga awtoridad nitong Sabado, 3 Enero, ang apat na kalalakihan habang hinahanap ang …