Saturday , March 14 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

James nilista ang 2-1 para sa Cavs

051415 Lebron James

TUMIKADA si basketball superstar LeBron James ng 40 puntos para angklahang muli ang Cleveland Cavaliers sa 96-91 panalo kontra Golden State Warriors sa Game 3 Finals ng 2014-15 National Basketball Association (NBA) kahapon.

Kinulang ng dalawang assists si James para isukbit ang pangalawang triple-double performance ngayong Finals sa kanilang best-of-seven series.

May nahablot na 12 rebounds si four-time NBA MVP James at may kasama pang apat na steals at dalawang blocks kaya naman angat na sila ng 2-1 sa serye.

Bumakas din si point guard Matthew Dellavedova ng 20 points, limang rebounds at apat na assists habang may tig 10 puntos sina Tristan Thompson at J.R. Smith para sa Cavaliers.

Umabot sa 20 puntos ang inabante ng Cavaliers sa third canto subalit naibaba ito ng Warriors sa isang puntos, 81-80 may 2:45 minuto na lang sa fourth period matapos isalpak ni Stephen Curry ang three-point shot mula sa assist ni Draymond Green.

Sumagot naman agad ng pabandang tira si Dellavedova at may kasama pang foul para ilista ang 83-80 matapos ipasok ang bonus free throw.

Nagsumite si Curry ng 27 markers at six rebounds at assists para sa Golden State habang tumulong din sa opensa sina Andre Iguodala at Klay Thompson ng 15 at 14 puntos ayon sa pagkakasunod.

Samantala, sa Cleveland pa rin ilalaro ang Game 4 at pagkatapos ay babalik sa Golden State para sa Game 5.

ni ARABELA PRINCESS DAWA

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Arellano NCAA cheerleading

Arellano, wagi sa ika-7 sunod na titulo sa NCAA cheerleading

PATULOY ang paghahari ng Arellano University sa NCAA cheerleading competition matapos nitong masungkit ang ika-pitong …

Spikers Turf Voleyball

King Crunchers Target back-to-back win, Spin Doctors gustong makabawi

Mga Laro sa Biyernes 1 n.h. – VNS vs AEP-Cabstars 3 n.h. – 3B vs …

PSC POC Pato Gregorio Bambol Tolentino

POC inilunsad SEA Plus Youth Games

INILUNSAD ni Philippine Olympic Committee (POC) President Abraham “Bambol” Tolentino, ang isang bagong palaro na …

World Surf League WSL PSC

WSL, PSC nagkaisa para sa 2 international surfing events sa PH sa 2026-2027

ANG mga event sa Cloud 9 at La Union ay itinaas sa international status sa loob ng …

AFC Womens Asian Cup 2006 Football

Pilipinas haharap sa Iran sa gitna ng tensiyong political

GOLD COAST, Queensland — Haharap ang Philippine women’s football team sa Iran ngayong Linggo sa …