AFAD sa gun owners: Mag-apply ng LTOPF
hataw tabloid
June 10, 2015
News
MULING umapela ang mga opisyal ng Association of Firearms and Ammunition Dealers of the Philippines, Inc. (AFAD) sa mga may-ari ng mga lisensiyadong baril na iseguro ang kanilang License to Own and Possess Firearms (LTOPF).
Inisyu ni Joy Gutierrez-Jose, ang pangulo ng AFAD, sa apela na ang firearms dealers sa bansa ay naki-kipag-ugnayan sa Philippine National Police (PNP) upang patuloy na makita ang daan na mapalakas ang implementasyon ng bagong Comprehensive Firearms and Ammunition Law.
Ang panuntunan na ito ay nasa pangangalaga ni PNP Officer-in-charge Deputy Director General Leonardo Espina upang suriin nang mabuti ang mga kinakaila-ngan sa pagpapalisensiya.
“The license process is moving and progressively increasing in output. Firearm owners should apply for their LTOPF, as required under the new Firearms Law. We will help them process their licenses at the most convenient way,” pahayag ni Gutierrez-Jose.
Upang maasistehan ang PNP sa promosyon ng LTOPF system, inorganisa ng AFAD ang 23rd Defense & Sporting Arms Show (DSAS) sa Hunyo 11-15, 2015 sa MegaTrade Hall, 5th Floor, Mega-mall sa Mandaluyong City.
Nakahanay sa gun show ang PNP caravan, na ang PNP services ay naka-handa sa ilalim ng iisang bubong sa air conditioned environment. Nakahanay na serbisyo ang LTOPF application picture taking at encoding, PTCFOR application, Directorate for Intelligence Clearance, Drug Test, Neuro-Psychiatric Test and Interview, Finance Service para sa pagbayad sa fees, Information Desk, at National Bureau of Investigation (NBI) Clearance.
Ilan sa highlights ng 23rd DSAS ay tribute ng AFAD sa “SAF 44.”
Sa mga nakaraang dekada, ipinagkakaloob ng AFAD ang assistance sa PNP, kabilang ang Special Action Force (SAF), upang mapalakas ang anti-criminality drive ng gobyerno.
Magkakaroon din ng exhibit ng mga makabagong military hardware ang Government Arsenal, ang ahensiya na nasa ilalim ng Department of National Defense (DND).
Para sa kaginhawaan ng mga bisita sa DSAS, inihanda ng AFAD ang pre-event online registration upang maiwasan ang mahabang pila sa registration counter. Upang makapagparehistro, bisitahin lamang ang www.afad.ph/dsas. Para sa karagdagang detalye, mangyaring bumisita sa Facebook accounts ng Defense & Sporting Arms Show at AFAD, Inc. o kontakin ang Global Link MP Events International Inc., DSAS events manager, sa telepono bilang (02) 893-7973.