GENERAL SANTOS CITY – Bugbog-sarado ang isang tomboy makaraan hiwalayan ang kanyang girlfriend.
Sa impormasyong nakalap, nagpa-blotter sa Pendatun PNP si Rosemae Dupalco, 22, isang security guard, ng Brgy. San Jose sa lungsod ng Heneral Santos, upang ireklamo ang ex-girlfriend na si Jennifer Galledo, 23.
Nangyari ang insidente habang nasa kanyang duty ang biktima sa Osmeña St., Brgy. South, GenSan.
Dumating ang ex-GF ng biktima kahapon ng madaling araw at bigla siyang binugbog at pinagsasampal sa mukha.
Sinasabing hindi matanggap ng ex-GF na ipinagpalit na siya ng naturang tomboy sa ibang babae na kanya pang nakitang magkasama sa pinagtatrabuan ng biktima.
Ang biktima ay nagkaroon ng bukol sa mukha at mga pasa sa kawatan.