HINDI ko alam kung ipagtatapat ko sa GF ko na silahis ako. Ano po ang gagawin ko? ––0920-4328642
Sa iyo 0920-4328642,
ALAM mo iho, ‘wag mong kuwestiyunin ang kakayahan ng ilang babae na umunawa specially ng maseselang usapin. Sa pagiging silahis, there’s nothing wrong about that! If I were you, magtatapat ako sa.
Sexy Leslie,
Bakit kaya ako nababasted tuwing nanliligaw? Ginagawa ko naman ang lahat sagutin lang ako ng nililigawan ko. ––0919-5197341
Sa iyo 0919-5197341,
Alam mo iho, basta’t hindi ukol, talagang hindi bubukol. Kaya kahit tumambling ka man para lang mapasagot ang iyong nililigawan kung talagang hindi ka naman type, talagang mababasted ka.
Mas mabuti sigurong maghintay ka ng babaeng laan para sa iyo.
Iwasan ding manligaw ng babaeng alam mong hindi ka naman talaga magugustuhan dahil masasaktan ka lang.
Good luck and thanks!