Friday , November 15 2024

Mison et al iimbestigahan sa Wang Bo bribe scandal

IIMBESTIGAHAN ang lahat ng mga opisyal ng Bureau of Immigration (BI) kabilang ang pinuno nilang si Siegfred Mison kaugnay sa alegasyong payola upang maipatigil ang deportasyon sa puganteng Chinese sa kanyang bansa bunsod ng $100 milyong kaso ng embezzlement, pahayag ni Justice Secretary Leila de Lima.

“All of the officials of BI whether part of the Board of Commissioners or not will be investiga-ted,” pahayag ni De Lima kahapon.

Nauna rito, itinanggi ni Mison ang ulat na tumanggap siya ng payola.

Aniya, pinaniwala siya ng dalawang immigration associate commissioners na si Wang Bo, puganteng Chinese, ay hindi dapat i-deport sa China dahil nakagawa ng krimen ang dayuhan sa Manila.

Ang tinutukoy ni Mison na dalawang BI associate commissioners ay sina Associate Commissioners Abdullah Mangotara at Gilbert Repizo.

Ang 31-anyos na si Wang na tinutugis ng Interpol at ng Chinese government bunsod ng sinasabing pagnanakaw ng $100 million, ay palalabasin na sana mula sa BI detention ngunit ipinatigil ni De Lima ang order na nilagdaan ng immigration officials.

Si Wang ay nakade-tine sa BI jail sa Taguig City magmula nang siya ay maaresto noong Pebrero 10 sa kanyang pagdating sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) mula Malaysia.

Humingi ng tulong ang Chinese Embassy sa BI para sa pagdakip kay Wang, idiniing ang pugante ay tinutugis dahil sa illegal gambling. Kinansela na rin ang kanyang passport.

Sinabi ni De Lima, kanya pang pinag-aaralan kung pahihintulutan ang deportasyon kay Wang o hindi bunsod ng fact-finding probe.

“I’m still trying to determine if it would be wise to deport him given the allegations because if it’s true that Immigration officials received money, the source of the money would be the respondent himself,” pahayag ni De Lima.

Sinasabing si Wang ay nagbigay ng daan-daang milyong piso bilang suhol sa mga mambabatas para aprubahan ang pet legislation ng administrasyon, ang Bangsamoro Basic Law.

Nangangamba si De Lima na baka siya ay maakusahan ng pag-cover-up sa bribery issue kapag iniutos niya ang deportasyon kay Wang.

“I myself would like to know what happened… I am inclined to create a team (to conduct the investigation),” ayon kay de Lima.

HATAW News Team

About hataw tabloid

Check Also

La Consolacion College Fire

Sa Mendiola, Maynila  
LA CONSOLACION NASUNOG EMPLEYADO SUGATAN

SUGATAN ang isang empleyado sa sunog na tumupok sa La Consolacion College, sa Mendiola St., …

Motorsiklo sinikwat tirador natunton sa mga kuha ng CCTV

Motorsiklo sinikwat ‘tirador’ natunton sa mga kuha ng CCTV

NADAKIP ng mga awtoridad ang isang lalaki matapos nakawin ang isang nakaparadang motorsiklo sa Sta. …

Carlwyn Baldo

Kalusugan nalagay sa alanganin
LEGAL TEAM NI DARAGA MAYOR CARLWYN BALDO PINAG-AARALAN KASONG ISASAMPA LABAN SA NURSE  
Warden humingi ng paumanihin

PINAG-AARALAN ng kampo ni Daraga Mayor Carlwyn Baldo ang kasong isasampa laban sa nurse ng …

Duterte Gun

Duterte aminadong pumatay ng 6 o 7 kriminal noong alkalde ng Davao City

INAMIN ni dating Pangulong Rodrigo Duterte kahapon, Miyerkoles na pumatay siya ng anim o pitong …

111424 Hataw Frontpage

PH mistulang killing fields sa ‘Duterte drug war — Solon

ni GERRY BALDO NAGMISTULANG killing fields ng mga drug suspect at inosenteng sibilyan ang Filipinas …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *