Aries (April 18-May 13) Bakit kailangang maghintay ng matagal? Hindi naman nito mababago ang mga bagay – nang higit pa.
Taurus (May 13-June 21) Huwag magmadali at suriin ang iyong gawi. Magagamit mo pa rin ang payo ng iyong nanay.
Gemini (June 21-July 20) Minsan ba hindi mapigilan ang iyong bibig sa pagdaldal? Sa kabutihang palad, lahat ng iyong sinasabi ay may laman.
Cancer (July 20-Aug. 10) Isang tao ang umaaktong parang masamang lobo. Batid ba nila kung gaano sila mukhang istupido ngayon?
Leo (Aug. 10-Sept. 16) Makapagpapasimula ka ng party mula sa paper hat at cupcake lamang. Iyan ay talento.
Virgo (Sept. 16-Oct. 30) Una sa iyong prayoridad ang praktikal na bagay. Talakayin ang mga item nang isa-isa.
Libra (Oct. 30-Nov. 23) Magbigay nang positibong pananaw. Nakarinig ka na ba ng self-fulfilling prophecies?
Scorpio (Nov. 23-29) Dalhin ang sarili sa gym. Huwag nang magdahilan pa, kailangan mong mag-ehersisyo.
Sagittarius (Dec. 17-Jan. 20) Gumawa nang maganda sa isang tao sa iyong buhay. Ipabatid sa kanyang siya’y iyong naa-appreciate.
Capricorn (Jan. 20-Feb. 16) Opposite attract sa araw na ito. Maaaring hindi ito magtagal, parang fireworks.
Aquarius (Feb. 16-March 11) Panahon nang ipatupad ang regulasyon. Tiyaking batid ng iyong mga tauhan kung ano ang mga nararapat.
Pisces (March 11-April 18) Huwag gagawa ng bagay dahil iniutos ito sa iyo ng isang tao. Gamitin mo ang iyong sariling pag-iisip.
Serpentarius (Ophiuchus) (Nov. 29-Dec. 17) May itinatago sa iyo ang isang matalik na kaibigan, ito’y halata – gayonman dapat kang magkunwaring walang nalalaman sumandali.
ni Lady Dee