Saturday , November 23 2024

Sen. Grace Poe hindi trapo

00 Bulabugin jerry yap jsySA maagang karera ni Senator Grace Poe sa politika, pinakamahalagang mapansin ng sambayanan na hindi siya kabilang sa isang political dynasty at lalong hindi isang traditional politician (TRAPO).

Kung may natitira pa tayong mga politiko na nasa  tradisyon o hanay ng pagiging “grand politician” in the true essence of these words, palagay ko’y sila ang dapat na dumikit at maging adviser ni Madam Senator  dahil nakapanghihinayang kung later on ay lamunin din siya ng maruming sistema.

Mulat din naman siguro tayo na mayroong ‘military mafia’ na kumukopo sa ating ekonomiya at politka, kumukubabaw sa maraming ahensiya sa ating pamahalaan.

Bukod pa sa kanila ang mga dati nang mga makapangyarihang haciendro at burgesya komprador.

Mayroon diyan sa loob ng ‘military mafia’ na seryosong maiayos ang sistema sa ating bansa pero nariyan din ang mga mapagsamantala at sariling bulsa lang ang iniintindi.

Isa rin sila sa itinuturong dahilan kung bakit lalong lumalawak ang pagitan ng mahihirap at mayayaman.

Napagtagumpayan nila ang kumubabaw sa ating lipunan noong sunod-sunod na kudeta laban sa administrasyon ni dating Pangulong Corazon Aquino.

Bawat kudeta siguro ay may nakukuha silang concession sa administrasyon ni Cory na hanggang ngayon ay napakikinabangan nila.

Kaya ‘yang ‘mafia’ na ‘yan ang dapat ingatan o iwasan ni Senator Grace Poe.

Nakikita natin sa kanya ang determinasyon, katapangan at kalinisan ng adhikain, pero hindi natin alam kung hanggang kailan niya ito mapapanatili lalo na’t bawat kampo ngayon ay siya  ang target.

Kung maraming naniniwala kay Senator Grace na maaaring maging tunay na lider dala ang malinis na hangarin para iahon tayo sa political and economic dilemma siguro ngayon pa lang ay totohanin natin ang pagsuporta sa kanya.

Kaysa naman mayroong lumapit sa kanyang mag-o-offer ng tulong pero pagdating ng panahon hihingi naman ng kapalit na maisasakripisyo ang kapakanan ng sambayanan.

Naniniwala ang inyong lingkod na tayong mga mamamayan mismo ay mayroong tungkulin na ipagtanggol at suportahan ang  lider na nakikita nating makatutulong para iahon ang ating bansa…

Pwede na sigurong umpisahan… “SAMPU PARA KAY POE!”         

Hinaing ng immigration intel officers (Attention: SoJ Leila de Lima) 

Akala raw ng Immigration Intelligence Officers na tinamaan ng lupit ‘este’ destino sa mga border crossing points ng Pinas ay napakasama na ng dating Commissioner ng Bureau of Immigration na si ret. Gen. Ricardo David dahil siya ang unang nag-initiate ng pagpapatapon sa border crossing pero nagkamali raw sila.

Mas masahol pa raw pala ang kasalukuyang nakaupo na si Immigration Commissioner Fred ‘serious dishonesty’ Mison?!

Noong may ipinatapon si ex-BI Comm. Ric David na Intel officers ay hindi naman sila tinanggalan ng overtime pay, pero itong kasalukuyan nilang Commissioner na nagsabi noong una na tatayong bilang ama ‘kuno’ sa kanyang mga nasasakupan ay masasabing totoong ama nga.

Pero hindi ama sa kanyang mga anak kundi ama daw ng kawalang-awa at kawalang puso?!

Hindi na niya inisip na maaaring maapektohan ang mga pamilya ng mga taong kanyang inagrabyado.

Ilan sa mga empleyadong ito ang nagsabi na paano pa raw mabubuhay ang kanyang asawa at mga anak.

Hindi raw malayong mangyari na matitigil na sa pag-aaral ang kanilang mga anak, kukulangin ang pagkain sa araw-araw dahil paano nga naman mapagkakasya ang maliit na basic salary at walang tinatanggap na overtime pay!?

Unfair daw na maituturing si Mison.

Napakarami rin daw ang nagkasala na mga Immigration employees na malalapit sa kanya pero hindi man lang daw naparusahan.

Nabigyan na ng magandang assignment may mga na-promote pa.

Habang masaya at mahimbing na natutulog sina Comm. Mison, Atty. Plaza at Atty. Tansinco, may mga taong nagdurusa at isinusumpa sila sa hirap na dinaranas nila ngayon.

Iisa lang ang panalangin nila: dahil sa sobrang kabaitan ng nasabing mga tao, sana’y kunin na sila agad ni Lord!

Paboritong bagman ng MPD humahataw pa rin!

Matapos natin ibulgar ang humahataw na MPD bagman na si alias Tata MANLAPASTANGAN sa siyudad ng Maynila ‘e wala pa rin palang aksyon na ginawa itong si MPD district director Gen. Rolly Nana?!

Hinaing nga ng matitinong pulis sa mga MPD police station at PCP, sana naman huwag silang laging sinisilip at hinihigpitan sa pananamit ng kanilang uniporme.

Kapag kasi medyo faded (kupas) na at hindi plantsado ang kanilang uniporme, palulundagin ng mga bata ni Gen. Nana at ipapatawag pa sila sa office of the district director para pagpaliwanagin.

E bakit pagdating naman sa issue ng mga tiwaling pulis na ang lakad ay sugal at pangongotong ‘e parang bulag, pipi at bingi si General Nana!?

Gaya na lang nitong si alias Tata Manlapastangan, na sikat na sikat ngayon sa kalakhang Maynila sa intelihensiya!?

Tara y tangga mula sa pobreng vendors, club owners at operator ng illegal gambling!

What the fact!?

Putok din na pati ang OVM ehgamit din daw sa kolektong niTONG si TATA MANLPAZTANGAN para sa INTEL-HENSIYA?!

‘Wag daw puntiryahin ang mga nagtatrabahong pulis para sa bayan bagkus e tirahin mo daw sana MPD DG ROLLY NANA ang mga nakapaligid sa iyong mga sulsultant este sipsip na punyente, kupitan at ilan pang tulisan na walang ginawa kundi magpapogi (mana nga daw sa amo niyang BANDERA mula sa cityhall?)

Isa pa, MPD DG Rolly Nana sir ano na ba ang nangyari sa mga tauhan mong harrasment ang lakad?!

Kung tututukan mo raw ang matitinong pulis ng MPD at silipin ninyo ang kakargohan nang kakargohan lang, sana raw silipin ninyo ang mga lubog na pulis-MPD na walang ginawa kundi bumuntot nang bumuntot sa kani-kanilang amo o ‘di kaya e humilata sa kanilang bahay habang naghihintay ng kalahati ng sahod dahil ang kalahati ay para sa hepe ng unit?!

Realidad ‘yan Gen. Nana Sir, na hanggang ngayon may timbrehan at lubog system pa rin sa MPD!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Mayor Joy B., muling pinarangalan ng CSC; 4,025 QCitizens, nilektyuran ng QCPD vs terorista, etc.

AKSYON AGADni Almar Danguilan SANA ALL. Ang alin? Sana all ng alkalde sa National Capital …

Firing Line Robert Roque

Alerto sa backlash

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. PARA sa isang analyst sa United States, isa ito …

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *