Thursday , December 26 2024

Anak ni Inday at orihinal na Panday dating sinusuyo ngayon inuupakan na ni Toby Tiongke ‘este Tiangco

00 Bulabugin jerry yap jsySABLAY si United Nationalist Alliance (UNA) spokesperson topak este Toby Tiangco nang upakan niya si Senator Grace Poe matapos lagdaan ang plunder report laban sa mag-amang VP Jejomar Binay at Mayor Junjun Binay.

Noong una kasi, pinakasusuyo o nililiyag ng UNA ang Senadora para tumiket sa kanilang presidential contender na si VP Jojo.

At sa mga pahayag ng UNA, parang tiyak na tiyak na sila ang pipiliin ni Senator Grace komo sinasabi nilang sila ang sumuporta sa kanyang kinagisnang ama na si Fernando Poe Jr., noong 2010 presidential election.

Sa ganitong pag-asam, nagpahayag naman si SILG Mar Roxas sa 106th Philippine Dental Association convention sa SMX Convention, Pasay City, nang ganito: “Well, magalang naman akong tao, at kung nagpapakilala naman ako ang sinasabi ko ‘si Mar po.’” 

Ang pahayag na ito ni Sec. Mar ay pinik-ap ng ilan na nangangahulugang may lihim na kasunduan ang administrasyon kay Sen. Grace.

Lalo na nang lumagda ang Senadora sa  Senate Blue Ribbon Subcommittee plunder report. Umusok nang husto ang tumbong ni spokesperson topak este Toby kaya hayun inupakan si Senadora Grace.

Una, ang kanyang citizenship at nitong huli, ang kanyang residency sa bansa.

Sa isang banda, mukhang wala namang balak na totohanin ng UNA ang kanilang pagkuwestiyon sa pagkamamamayan at panahon ng paninirahan ni Senadora Grace dahil ibinunyag nila agad.

‘Yun bang tipong, “kapag hindi ka sa amin sumama, ibubunyag namin ito at kukuwestiyonin ang kandidatura mo.”

Parang gusto lang takutin. ‘E kaso ‘wrong timing.’

Nagsalita si topak este Toby sa panahon na selling like hot potato si Madam Sen. Grace.

At bukod d’yan hindi natantiya ni spokesperson topak este Toby na meron palang nakatagong ‘yagbols’ ang Sendaora kaya kinasahan sila.

Ang sabi ni Sen. Grace, “‘Di bale nang makuwestiyon ang aking pagkamamamayan at paninirahan, huwag lang maakusahan na ‘mandarambong’ sa pondo ng bayan.”

Aruykopo! Ang sakit-sakit no’n.

Kumbaga, no way, hi-way, na ilampaso mo ako sa ganyang isyu, dahil mas nakahihiya ang kasong kinakaharap ng contender ninyo.

‘Yun ‘yon ‘e.

Masyadong inismol nitong si topak este Toby si Senator Grace…

Tsk tsk tsk…

Ampon nga, ‘e lumaki naman kay Inday saka sa orihinal na Panday…

Ay sus!

Huwag ninyong hamunin ang minsang itsinismis na anak ni Apo at baka magulat kayo kung ano pa ang kayang ikasa ng anak ni Inday at ni Panday!

Sino ang protektor ng mga berdugong kolek-tong sa Divisoria!?

MULI  na namang namayagpag ang ilang kilabot na berdugong kolektong sa Divisoria vendors.

Take note Yorme Erap para sa mahirap!

Sandamakamak na mga text/reklamo ang ating natanggap mula sa mga pobreng vendors sa dalawang tarantadong berdugong mangongotong na sina alias ZALDY at BOYONG na perhuwisyong tunay sa riles mula Asuncion hanggang Dagupan.

Ang dalawang kamote lang raw ang pwedeng kumubra ng TARA y TANGGA na inihahatag naman nila kina alyas NERISA at IMELDA sa Recto riles.

Ang berdugo-kotong tandem nina ZALDY at  BOYONG ang panakot nina IMELDA at NERISA para hindi makapag-PASS ang mga vendor sa regular na tarya.

Dahil kapag walang hatag ‘e bugbog at eskoba ng paninda ang aabutin ng pobreng vendor sa da-lawang demonyo.

Sonabagan!

Hindi tayo naniniwala na walang tongpats na pulis sa mga walanghiyang ‘yan para magkalakas ng loob sila na gawin ang kahayupan laban sa mga vendor.

MPD PS-11 commander  SUPT. ROMY MACAPAZ sir, hahayaan mo na lang ba na may namamayagpag na ‘tirador’ sa teritoryo mo?!

Para MALINIS naman ang MPD at hindi lumabas na PROTEKTOR ng mga KOLEKTONG at BARBARIKONG GRUPO sa DIVI!

Senior citizen natuwa sa tinanggal na PLDT annoying messages sa kanilang telepono

SIR JERRY, ako po ang asawa ng nagpadala sa inyo ng email regarding PLDT annoying reminders, labis-labis po akong nagpapasalamat sa inyo Sir, dahil kaninang umaga June 3, on or about 9 am tumawag po ang customer service nila sa amin upang ipaalam na aalisin na nila ang annoying reminders na natupad po naman. Humingi rin po sila ng dispensa sa nangyari.

Ngayon gabi ko lang po nakita sa FB ang column ninyo na nakalagay ang email ng misis ko, kaya naisip ko na nakita na ng PLDT management iyon kaninang umaga kaya gumawa na sila ng paraan para alisin ang reminders nila.

Sir tinatanaw ko po na isang malaking utang na  loob  ang  ginawa ninyong pagtulong  sa  aming mga nasa huling yugto ng aming buhay sa mundong ibabaw na ito.

Matagal na po akong naka-subscribe sa Hataw FB ninyo kaya doon ko nakita ang inyong tapang at tatag sa pagharap sa mga ‘di gumagawa ng tama sa ating lipunan at gobyerno.

Dalangin ko rin po na sana makamit ninyo ang hustisya sa pag-arestong ginawa sa inyo sa airport ng mga pulis na nasagasaan ng inyong pahayagan sa mga mali nilang gawain.

Muli, Sir Jerry maraming maraming salamat po!

Gumagalang,

Lito Velarde

 

Maraming salamat din po sa inyong suporta at pagtitiwala.

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *