Friday , November 22 2024

Liberal Party nabulaga  sa ops vs BBL?!

00 Bulabugin jerry yap jsyNAITULAK sa defensive position ang Liberal Party nang biglang pumutok ang istorya ng isang umano’y Chinese ‘crime lord’ na ginamit ng Malacañang para mamudmod ng payola sa mga mambabatas sa Kamara sa panahon na tinatalakay ang Bangsamoro Basic Law (BBL).

Ayaw man patulan dahil salat sa katotohanan, walang magawa ang Malacañang kundi ang magpaliwanag dahil mayroong isang dokumento mula sa Bureau of Immigration (BI) na nagpapatunay na kuwestiyonable ang tangkang pagre-release sa tinutukoy na Chinese crime lord na si Wang Bo.

Sa Wang Bo umano ay nagawaran ng release order nitong May 21 (2015).

Pero dahil nagprotesta ang Chinese Embassy, hindi nai-release si Wang Bo at idinetine na lang sa BI detention cell.

Kapalit umano ng tangkang pagre-release sa binansagang Chinese crime lord ang hindi kukulangin sa P540 milyones payola para sa BI (P100-M) at sa 292 mambabatas (P440-M) para mabilis na maipasa ang BBL.

What the fact!?

Mukhang kulang sa drawing at direksiyon ang pelikulang “PAYOLA SA BBL” ng oposisyon.

Bakit sina Immigration Associate Commissioners Gilbert Repizo at Abdullah Mangotara ang idinidiin gayong kasama sa pumirma ang mismong BI Commissioner na si Siegfred Mison!?

Dahil sina Repizo at Mangotara ay kilalang LP stalwarts at malapit sa LP inner core na si Mindoro Gov. Alfonso Umali?!

Kung totoong may payola, bakit kailangan gumamit ng Malacañang ng isang alien na kinukulapulan ng kontrobersiya gayong delikado at sensitibo ang payola ops?

Ganoon ba kahina ang utak ang sandamakmak na consultants ng Palasyo para gumamit sila ng isang dayuhan na wanted pa sa China?!

Sabi nga ng mga pangkaraniwang empleyado ng Immigration, hindi ang tipo ni Wang Bo ang tila masasangkot sa ganoong uri ng operasyon, na wanted sa China because of illegal gambling.

Mahirap i-establish ‘yang ‘haka-haka’ ng mga operator ng oposisyon. Kumbaga pilit na pilit ang pag-uugnay kay Wang Bo sa BBL.

Ang terminong ginamit sa news story ‘e mayroon daw “truckload of money” na ini-deliver sa Kamara noong gabi ng May 25.

Kaya raw noong Martes, May 25, unanimously approved sa Kamara ang Palace-backed BBL.

At pinagbintangan pa ang Kamara na binura sa CCTV ang record ng  “truckload of money.”

What the fact again!?

May info pa tayong nakuha, na ang media ops na ‘to ay ginawa umano ng ilang media sulsoltant ‘este consultant diyan sa Immigration main office para lang siraan ang dalawang BI associate commissioner.

Ang pinakamabuti rito, ipatawag ni House speaker Sonny Belmonte si Commissioner Fred ‘dila’ Mison at isalang nila agad sa imbestigasyon kung bakit nakakaladkad ang Kamara sa ‘PAYOLA SA BBL.’

Ilang araw na lang at Hunyo 11 na, pero habang dumarating ang araw na ito, lalong nagkakahetot-hetot ang pagmamadali ng Palasyo para maipasa ang BBL. 

 Tumatsamba at nakasisilip ng butas ang oposisyon pero nangyayari lang ito dahil sa mga ‘weakest link’ sa administrasyon ni PNoy.

At sa palagay natin, isa sa mga ‘weakest link’ na ‘yan si Mison.

Alam n’yo na po ‘yan Gov. Boy Umali!

APD HQ isang taon na wala pa rin koryente!?

ANG bilis talaga ng panahon.

Parang kailan lang noong inirereklamo sa atin ng mga Airport police na walang koryente ang Airport Police Department (APD) HQ.

Isang taon na pala ‘yung reklamo na ‘yun?

Ang masaklap, ‘yang reklamo na ‘yan ay nanatiling reklamo hanggang ngayon dahil hindi naaksiyonan/inaksiyonan ng mga kinauukulan ayon sa mga airport police.

Ibig sabihin hanggang ngayon, WALEY pa rin koryente ang APD HQ?!

Okey sana kung pirmi lang silang nasa airport at patrol nang patrol.

‘E paano ‘yung mga naiiwan sa headquarters na siyang nakatalaga sa imbestigasyon at dokumentasyon?!

Wala o mahina ang ilaw, walang aircon at electric fan lang ang gumagana at minsan walang computer na magamit kasi nga mahina ang koryente mula sa pupugak-pugak na generator.

Kahit sino sigurong ilagay na airport police d’yan, hindi niya iisiping naka-duty siya kundi parang naka-bartolina!?

‘E ano na ba talaga ang nangyari sa koryente ninyo, APD Chief M/Gen. Jesus Descanzo?!

Just asking lang ho…

Buong akala kasi natin ‘e naayos na ang bidding-bidingan ‘este bidding sa pagsasaayos ng linya para makabitan na ng koryente pero hindi pa pala?!

After 12 months, miserable pa rin pala ang kalagayan ng APD HQ?!

What the fact!?

Marami na raw ang ginalis dahil sa dami ng lamok at marami na rin ang hinika dahil sa kawalan ng bentilasyon at sobrang init sa APD HQ.

Wala ka pa bang gagawin sa problemang ‘yan, ret. Gen. Jess Descanzo?

Ilang MTPB enforcers tiwala sa Bulabugin (Kalye Dimasalang/Lacson Osmeña, hindi na natapos!)

SIR JERRY, kahit nauupakan ang ilan sa kasama namin e malaki po ang tiwala namin sa BULABUGIN dahil inaabangan ng mga opisina sa city hall ang inyong mga inilalabas na issue na pawang may katotohanan nman. Isa rin po akong MTPB na naniniwala  na may mga kasama kami na iba ang lakad kya madalas  narreklamo ng mga  motorista. Pero hndi po lahat kami ay pitsa ang lakad sir. Gaya ng aming grupo rito sa kahabaan ng LACSON Ave., ay tapat at patas sa serbisyo. Pinalad po kasi kami na ma-RETAIN mula sa dating administrsyon. Sir, hihingi po kami ng tulong para makarating sa kinauukulan na matapos na ang mabagal na paggawa ng kalsada rito sa DIMASALANG hanggang LACSON-OSMEñA sir. Sobra tagal na ho at perhuwisyo talaga sa trapik kaya kaming MTPB enforcers ang napuputukan ng mga amo sa city hall. Tago po ninyo ang numero ko. +63918650 – – – –

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Mayor Joy B., muling pinarangalan ng CSC; 4,025 QCitizens, nilektyuran ng QCPD vs terorista, etc.

AKSYON AGADni Almar Danguilan SANA ALL. Ang alin? Sana all ng alkalde sa National Capital …

Firing Line Robert Roque

Alerto sa backlash

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. PARA sa isang analyst sa United States, isa ito …

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *