RICH VAMPIRE: Oorder ako ng fresh blood.
ORDINARY VAMPIRE: Sa akin isang order na dinuguan.
POOR VAMPIRE: Hot water na lang sa akin.
WAITER: Bakit hot water lang po.?
POOR VAMPIRE: Nakapulot kasi ako ng napkin sa kanto. Magtatsaa na lang ako… (Hahaha!)
***
PATAPANGAN NINA
Juan at Pedro
Pedro: Ang tapang talaga ni Paeng! Biro mo, tumalon sa eroplano nang walang parachute!
Juan: Ohh, totoo? Saan mo naman nabalitaan ‘yan?
Pedro: Doon sa burol niya!
Ulam NINA Juan at Pedro
Pedro: Alam mo, ‘yung pusa namin, kahit nakalagay sa mesa at walang takip ang ulam namin, hindi kinakain!
Juan: Maniwala ako?!
Pedro: Totoo!
Juan: Ano ba ang ulam ninyo?
Pedro: Asin!