CEBU CITY – Nabulabog ang mga residente ng C. Padilla St., Lungsod ng Cebu nang may lalaking nagtangkang magpakamatay sa pamamagitan ng paglaslas sa leeg gamit ang kutsilyo at tangkang pagtalon mula sa rooftop ng 2-storey building pasado 9 a.m. kahapon
Kinilala ang biktimang si Conrado Generali Jr., embalsamador, residente ng Brgy. Duljo-Fatima, Lungsod ng Cebu at empleyado ng kilalang punerarya.
Ayon kay SFO4 Jimmy Layao ng BFP-Cebu City, mabilisan ang ginawa nilang pagresponde dahil makaraan laslasin ng biktima ang kanyang leeg ay palakad-lakad sa rooftop na parang tatalon mula sa gusali.
Nang madatnan ng mga bombero ang suspek sa rooftop ay nakaupo at nanghihina na dahil sa rami ng dugo na lumabas mula sa sugat sa kanyang leeg. Mabilis na dinala ang biktima sa pagamutan para sa kaukulang lunas. Sinasabing simula kamakalawa ay hindi pa kumakain si Generali.