Tuesday , March 10 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Binatilyo tigok sa kidlat (Namitas ng mangga)

DAGUPAN CITY – Patay ang isang 19-anyos binatilyo makaraan mahulog mula sa puno ng mangga nang tamaan ng kidlat sa bayan ng Manaoag, sa lalawigan ng Pangasinan kamakalawa.

Nagkaroon nang matinding pinsala sa katawan ang biktimang si Mario Pagaduan, residente sa Brgy. Pugaro sa nabanggit na lugar.

Napag-alaman, nagpaalam sa kanyang ama ang biktima upang manguha ng bunga ng mangga malapit sa kanilang bahay makaraan silang maghapunan habang kasagsagan nang malakas na ulan at pagkidlat.

Nabahala ang kanyang pamilya nang matagalan ang biktima sa pagbalik sa kanilang bahay kaya siya ay hinanap.

Laking gulat na lamang nila nang makitang nakahandusay ang biktima sa lupa sa silong ng puno ng mangga.

Nakitaan ng senyales ng pagkasunog ang katawan ng biktima na posibleng dulot ng kidlat.

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Task Force Kasanag

Task Force Kasanag naghain ng reklamong plunder at graft laban sa mga opisyal ng NIA at mga kontratista; Dating mga opisyal ng DPWH kinasuhan din

QUEZON CITY — Inanunsyo ng Task Force Kasanag (TFK), sa pangunguna ni Dr. John J. …

Sara Duterte

“Sufficient in substance” idineklara sa 2 impeachment complaint vs Sara

ni Gerry Baldo IDINEKLARA ng House Committee on Justice na ang natitirang dalawang impeachment complaint …

Matias B Salvador Elementary School sa bulacan ninakawan

Eskuwelahan nilooban ng tatlong kawatan

HINDI pinatawad ng tatlong lalaking kawatan ang isang eskuwelahan sa Pandi, Bulacan nang kanila itong …

Brian Poe

Rep. Brian Poe: “Sa pagtaas ng presyo ng langis, kailangan ng agarang ginhawa para sa mga Filipino”

MANILA — Nagpahayag si Congressman Brian Poe ng kahandaan na suportahan ang pagbibigay ng limitadong …

Taguig NCCA Vista mall

Arts Festival 2026 inilunsad ng Taguig LGU sa Vista Mall

OPISYAL na binuksan ang Taguig Arts Festival 2026 nitong nakaraang Sabado, 28 Pebrero, sa pamamagitan …