Saturday , November 23 2024

Pitong kaalyado ni PNoy kasamang kakasuhan sa Pork Barrel Scam

00 Bulabugin jerry yap jsyISASAMPA na ng National Bureau of Investigation (NBI) ang third batch ng mga politikong sangkot sa P10-billion pork barrel scam.

Isang senador (Sen. Gregorio Honasan II) at pitong kaalyado ni PNoy na sina Joel Villanueva, chief ng Technical Education and Skills Development Authority (Tesda), Rep. Rufus Rodriguez ng Cagayan De Oro, La Union Rep. Victor Ortega, Rep. Manuel Ortega at dalawa pang mambabatas.

Kasong paglabag sa anti-graft and corrupt practices at malversation ang ihahain laban sa pito dahil umano sa maling paggamit ng Priority Development Assistance Fund (PDAF) o pork barrel sa pamamagitan ng ghost projects at pekeng non-government organizations (NGOs) ni Janet Lim-Napoles.

Hinihintay na lang umano ang “go signal” ni Justice Secretary Leila De Lima para sa pagsasampa ng nasabing kaso.

Aba, ‘di ba matagal nang hinihintay ang pagsasampa ng kaso laban sa mga opisyal ng gobyerno na sangkot sa P10-B pork barrel scam?

Actually, marami na ang naiinip. Kaya naman marami ang nagtataka kung bakit tila nagpapatawing-tawing pa si Madam Leila sa pagsasampa ng kaso sa 3rd batch na sangkot sa pork barrel scam.

Go signal ba talaga ni Madam Leila ang hinihintay o go signal ng mga taga-Malacañang?!

Pakisagot na nga po Madam Leila?!

Mayor Rex Gatchalian mabubulok sa bilangguan dahil sa kapabayaan!?

KLARO ang pananagutan ni Valenzuela Mayor Rexlon Gatchalian sa pagkamatay ng 72 manggagawa dahil sa sunog na naganap sa Kentex Manufacturing, ang pabrika ng tsinelas na pag-aari ni Veato Ang sa Barangay Ugong.

Mismong si Presidente Benigno Aquino III ang nagsabi na dapat managot si Gatchalian at ang iba pang opisyal na sangkot sa pagmamaniobra ng papeles ng Kentex Manufacturing kung bakit sila nakakuha ng Mayor’s permit kahit kulang ang kanilang business permit requirements.

Ang sabi nga ng Pangulo, maaaring sampahan ng kasong reckless imprudence resulting in multiple homicide at falsification of documents dahil binigyan ng business permit ang Kentex Manufacturing kahit bagsak sa fire safety inspection.

Ibig sabihin, mayroon paglabag ang Kentex Manufacturing na kinonsinti ng Valenzuela local government kaya nakakuha ng Mayor’s permit.

Hindi p’wedeng itanggi ni Mayor Rex na wala siyang alam diyan dahil ibig lang sabihin na posibleng maraming nakalusot na nakakuha ng Mayor’s permit kahit kulang ang mga rekesitos.  

Diin ni PNoy, “For instance, ‘yung local government unit, alam ninyo na requirement ‘yung fire safety inspection certificate, binigyan ninyo ng business permit, binigyan din ng certificate of occupancy na walang fire safety inspection certificate.”

What the fact!?

Akala pa naman natin ‘e genuine ang pagpapaunlad ni Rex Gatchalian sa Valenzuela, hindi pala.

Ang tunay na pagpapaunlad sa isang komunidad ay nakabase sa pag-unlad ng kanyang mamamayan.

Kung maraming manggagawa ang hindi tinatrato nang tama sa loob ng isang pabrika, ibig sabihin lang na peke at hindi genuine ang pag-unlad na ipinamamarali ng mga Gatchalian sa Valenzuela.

Hindi puwedeng sabihin na isolated case lang ang nangyari sa  Kentex Manufacturing lalo’t nabisto na maraming establisyemento ang kulang ng rekesitos pero nakakuha pa rin ng Mayor’s permit.

Hindi kukulangin ‘yan sa 20 establisyemento na nainspeksiyon na ng Bureau of Fire (BFP), ‘e paano pa kaya ‘yung mga hindi pa naiinspeksiyon?!

Sandamakmak ang mga pabrika sa Valenzuela, di ba?!

Tsk tsk tsk…

Gusto ko sanang maniwala sa mga Gatchalian, pero hindi ko magawa!

Nasaan ang hustisya sa mga ‘itinapon’ na immigration officers? (Attn: SoJ Leila de Lima)

Parang kanta nga raw ni Phil Collins na True Colors na habang nagtatagal sa posisyon, lumalabas ang totoong kulay ni Immigration Commissioner Siegfred Mison.

Kamakailan lang ay hindi kukulangin sa 10 Intelligence officers and agents ang ipinatapon ni Mison sa mga Border Crossing Points ng Pilipinas!

Ang matindi rito,  itinapon ang mga naturang empleyado nang walang malinaw na dahilan o kasalanan at higit sa lahat ay dinala sila sa mga delikadong lugar na WALA man lang matatanggap na overtime pay!

Whattafact!

Sa ginawang ito ni BI Commissioner bombay ‘este’ Mison, hindi lang daw karapatan ng mga kawani kundi pati na rin karapatang pantao ang tinapakan at niyurakan ng nasabing Commissioner?!

Sabi ng ilang Immigration Officers na naka-experience ng buhay diyan sa mga Border crossing points, gaya ng Tibanban, Taganak, Balabac, Batuganding at iba pa, “No man’s land” daw kung ituring ang mga lugar na nabanggit.

At kung mapupunta riyan, halos kalahati na raw ng paa mo ay parang nasa hukay.

Hindi na nga tumanggap ng overtime pay, itatapon pa sa malayo?!

Hindi lang daw ‘yang mga empleyadong nabanggit ang gustong todasin ng nasabing commissioner kundi para na rin niyang pinatay ang kinabukasan ng mga pamilya ng mga naapektohan.

Hinaing pa ng mga Intel agent: wala rin budget para sa board & lodging nila sa pinagtapunan sa kanila.

Paano na ang kanilang pamilya?

Nalayo na… wala pang sapat na perang matatanggap ang pamilya nila.

Ang lupeeet talaga!!!

Maliwanag pa sa sikat ng araw na ang ginagawa ni Mison ay isang uri ng CONSTRUCTIVE DISMISSAL!

Tama ba Atty. Norman ‘libanan’ Tansinco?    

Sa mga Intelligence personnel na tinamaan ng galit at ngitngit nitong si Mison, aba huwag kayong papayag na niyayapakan na ang inyong mga pagkatao!

Alalahanin ninyo na matagal na kayong nandiyan sa Bureau at iyang si Mison kung tutuusin ay dayo lang sa inyong teritoryo.

Matuto kayong lumaban dahil kinabukasan na ng pamilya ninyo ang nakataya!

Nariyan ang Ombudsman, Civil Service, RTC, DOJ, CHR, Office of the President at higit sa lahat ang media na tutulong sa inyo.

Magsama-sama kayo at lumaban para sa inyong karapatan!

Uulitin lang natin ang sinabi ni Edmund Burke — “All that is necessary for the triumph of evil is that goodmen do nothing…”

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Mayor Joy B., muling pinarangalan ng CSC; 4,025 QCitizens, nilektyuran ng QCPD vs terorista, etc.

AKSYON AGADni Almar Danguilan SANA ALL. Ang alin? Sana all ng alkalde sa National Capital …

Firing Line Robert Roque

Alerto sa backlash

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. PARA sa isang analyst sa United States, isa ito …

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *