Tatay: Sabihin n’yo kung ilang hampas at kung ano ang hihilingin n’yo bago ko kayo hahampasin
Juan: Limampung palo tatay.
Pedro: Ang kunti naman
Tatay: Ano ang hiling mo?
Juan: Lagyan mo ng unan ang likod ko
(At pinalo na nga si Juan)
Tatay: Ikaw naman Pedro ilan?
Pedro: Isang libo po
Juan: Sobrang dami naman?
Tatay: Ano naman hiling mo?
Pedro: Itali n’yo si Juan sa likod ko
HOLDAPER
Holdaper: Hoy! Holdap to! Akin na bente mo!
Babae: Bente lang? Eto naman si kuya, kuripot mangholdap! ‘Eto sengkwenta…Hai naku!