MAGPAPABUWENAS ang Barangay Ginebra na baka makakatulong ngayon ang bagong Asian reinforcement na si Jiwan Kina na kanilang ipaparada kontra Globalport sa kanilang duwelo sa PBA Governors Cup mamayang 7 pm sa Smart Araneta Coiliseum sa Quezon City.
Sa unang laro sa ganap na 4:15 pm ay magkikita ang Rain Or Shine at Blackwater Elite.
Si Kim ay humalili sa kanilang unang Asian reinforcement na Mongolian na si Sanchir Tungalag. Si Kim ay isang scorer at hindi isang playmaker.
Makakatuwang ni Kim ang mga big men na sina Gregory Slaughter at Japhet Aguilar na nakabalik na buhat sa injured list.
Ang iba pang locals na inaasahan ni coach Frankie Lim ay sina Mark Caguioa, LA Tenorio, Jayjay Helterbrand at Josh Urbiztondo.
Tinambakan ng San Miguel Beer ang Barangay Ginebra sa kanilang huling laro, 100-85 . Bumagsak ang Gin Kings sa 2-4.
Ang Globalport ay galing sa 123-120 panalo kontra Talk N Text upang mapatid ang two-game losing skid at umakyat sa 4-2 karta.
Ang Batang Pier ay pinangungunahan ng Amerikanong si Jarris Famous at Palestinian na si Omar Krayem.
Ang kanilang local support ay kinabibilangan nina Terrence Romeo, Stanley Pringle, Keith Jensen, Billy Mamaril at Anthony Semerad.
Ang Rain Or Shine at Blackwater ay kapwa may 1-4 record at nangungulelat. Ang Elasto Painters ay tinalo ng Barako Bull sa kanilang huling laro 112-103. Ang Elite ay tinambakan naman ng Meralco, 87-72.
Ang Rain Or Shine ay sumasansdig sa import na si Wendell McKinnes na makakatunggali ng naturalized citizen na si Marcus Douthit.
(SABRINA PASCUA)