Aries (April 18-May 13) Dapat na maging consistent at mapagpasensya ngayong umaga.
Taurus (May 13-June 21) Dapat gamitin ang sandali sa umaga at hapon para sa pagtugon sa sariling pangangailangan.
Gemini (June 21-July 20) Dapat umiwas muna sa pampublikong mga lugar. Posibleng masangkot sa gulo.
Cancer (July 20-Aug. 10) Ikatutuwa mo ang matatanggap na impormasyon sa dakong gabi. Posibleng ito ang matagal mo nang hinihintay.
Leo (Aug. 10-Sept. 16) Lakasan ang loob at tapusin kung ano man ang nasimulan.
Virgo (Sept. 16-Oct. 30) Walang makapagpapabago sa ano mang posibleng mangyari. Sumabay na lamang sa agos.
Libra (Oct. 30-Nov. 23) Huwag kalilimutan ang isyu sa pananalapi at mga obligasyon.
Scorpio (Nov. 23-29) Ito ang sandali ng pagre-relax at pag-aksyon nang marahan.
Sagittarius (Dec. 17-Jan. 20) Pagtuunan ng pansin ang kalagayan ng kalusugan. Huwag kalimutan ang ehersisyo.
Capricorn (Jan. 20-Feb. 16) Maisasagawa mo ngayon ang perpektong self-control. Salamat sa pagdisiplina sa sarili.
Aquarius (Feb. 16-March 11) Ang determinasyon ay posibleng humupa ngayon. Posibleng bumagal ang kilos.
Pisces (March 11-April 18) Dakong gabi, ikaw ay magiging romantiko at hindi makukuntento nang walang inspirasyon.
Serpentarius (Ophiuchus) (Nov. 29-Dec. 17) Huwag pagagapi sa mga tukso sa buhay. Magpakatatag.
ni Lady Dee