LEGAZPI CITY – Wala nang buhay at hindi na halos makilala ang bangkay ng 5-anyos paslit nang matagpuan ng kanyang lola sa nasunog nilang bahay kahapon ng umaga.
Kinilala ang biktima na si JayJay Arcilla ng Brgy. Bonga, Ligao City.
Ayon kay Nanay Nerita, dakong 6 a.m. nang iwan niya ang apo habang natutulog upang bumili ng tinapay.
Ilang minuto lamang ang lumipas, pagbalik niya, bukod sa bahay na nilalamon ng apoy, nadatnan din niya ang nasusunog nang katawan ng kanyang apo.
Ayon sa lola, sinubukan niyang iligtas ang apo ngunit nasugatan siya mula sa bumagsak na bahagi ng bahay.
Nadamay din sa sunog ang katabi pa nitong bahay.
Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa naging sanhi ng sunog.