Saturday , March 14 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

TNT vs Globalport

020415 PBAPUNTIRYA ng Talk N Text ang pakikisalo sa unang puwesto sa laban nila ng Globalport sa PBA Governors Cup mamayang 7 pm sa Smart Araneta Coliseum sa Quezon City.

Sa unang laro sa ganap na 4:15 pm, kapwa target ng Meralco at Blackwater Elite na makabawi sa nakaraang kabiguan.

Ang Talk N Text ay may 3-1 record matapos na magposte ng magkasunod na tagumpay laban sa Alaska Milk (104-103) at NLEX (108-89). Kung mamamayani sila sa Globalport ay makakasosyo nila sa itaas ng standings ang Barako Bull at Alaska Milk na kapwa may 4-1 karta.

Ang Globalport ay may 3-2 record at natalo sa huli nitong dalawang laro. Pinayuko ng San Miguel Beer ang Batang Pier, 124-102 noong Mayo 17. Matapos ng apat na araw ay natalo ang Globalport sa Rain Or Shine, 119-112 sa Dubai, United Arab Emirates.

Naglaro na sa kanyang unang game sa torneo si Jayson Castro kontra NLEX at gumawa ng 19 puntos. Makakatuwang niya sina Ranidel de Ocampo Kellly Williams, Larry Fonacier at Jay Washington.

Ang Tropang Texters ay pinangungunahan ng Amerikanong import na si Steffphon Pettigrew at Asian reinforcement na si San Daghles.

Kontra sa Elasto Painters, ang Globalport ay nagparada ng ikatlong Amerikanong import sa katauhan ni Jarris Famous na nagpugay nang may 26 puntos at 16 rebounds.

Sa laro ring yon ay gumawa ng panibagong career-high na 40 puntos si Terrence Romeo subalit kinapos pa rin ang Batang Pier.

Ang Meralco at Blackwater ay kapwa galing sa pagkatalo. Sinayang ng Bolts ang 19 puntos na abante at natalo sa NLEX, 105-99 upang bumagsak sa 2-3.

Dumaan naman sa dalawang overtime periods ang Blackwater bago natalo sa kapwa expansion team na KIA Carnival, 93-86 noong Miyerkoles. Ang Bolts ay kasama ng NLEX at defending champion Star Hotshots sa ikasampu hanggang ika-12 puwesto sa kartang 1-4.

Samantala, makakalaban ng Hotshots ang KIA Carnival sa isang out-of-town game bukas ng 7 pm sa Angeles University Foundation sa Pampanga.

(SABRINA PASCUA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Arellano NCAA cheerleading

Arellano, wagi sa ika-7 sunod na titulo sa NCAA cheerleading

PATULOY ang paghahari ng Arellano University sa NCAA cheerleading competition matapos nitong masungkit ang ika-pitong …

Spikers Turf Voleyball

King Crunchers Target back-to-back win, Spin Doctors gustong makabawi

Mga Laro sa Biyernes 1 n.h. – VNS vs AEP-Cabstars 3 n.h. – 3B vs …

PSC POC Pato Gregorio Bambol Tolentino

POC inilunsad SEA Plus Youth Games

INILUNSAD ni Philippine Olympic Committee (POC) President Abraham “Bambol” Tolentino, ang isang bagong palaro na …

World Surf League WSL PSC

WSL, PSC nagkaisa para sa 2 international surfing events sa PH sa 2026-2027

ANG mga event sa Cloud 9 at La Union ay itinaas sa international status sa loob ng …

AFC Womens Asian Cup 2006 Football

Pilipinas haharap sa Iran sa gitna ng tensiyong political

GOLD COAST, Queensland — Haharap ang Philippine women’s football team sa Iran ngayong Linggo sa …