Kamakailan pumutok ang balita sa Manila city hall na pinatalsik na ni Yorme Erap ang isang opisyal ng organized kotong ‘este’ ven-ding program. ‘Yan ay dahil umano sa problema sa remittances ng milyones na koleksiyon mula sa Divisoria vendors.
Base sa mga nagkalat na istorya sa Manila City hall at MPD Press office, nabigo raw mag-entrega ang isang BORROMEO ng tumatagin-ting na P3.7 milyon kita sa loob ng isang buwan mula sa 300 pobre at naghihirap na mga vegetable at fruit vendrs sa Divisoria!?
What the fact!?
Pang-ilan na ba ito?! Si Borromeo na sinibak ni Manila Yorme Erap Estrada sa mga anomalya d’yan sa organized vending program n’ya!?
Ang unang sinibak ay isang Konsuhol ‘este’ konsehal, ex-bgy ghairman; Sy, Ex-Convict Scultor, isang opisyal sa city hall.
Mukhang may mina pala ng ginto riyan sa organized vending kaya pala marami ang ‘nauulol’ dyan?!
Ang tanong, bakit hindi sinampahan ng kaso ni Erap ang mga taong nambukol ‘este ‘nanunog’ ng collection sa organized vending?
Milyon-milyong piso ang umano’y naibulsa at hindi nai-remit sa kaban ng Maynila pero bakit hindi ipinahuli at kinasuhan ng alkalde ng Maynila?
Bakit nga kaya!?
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com