Sunday , December 22 2024

Sinermonan ni utol 14-anyos naglason

ROXAS CITY – Hindi na naisalba ng mga doktor ang buhay ng isang 14-anyos dalagita na uminom ng lason makaraan pagalitan ng kanyang kapatid sa Brgy. Maalan, Maayon, Capiz kamakalawa.

Binawian ng buhay habang nilalapatan ng lunas sa ospital ang biktimang kinilalang si Lynlyn, ng New Guia, Maayon, uminom ng isang uri ng pesticide.

Nabatid sa imbestigasyon ng Maayon Police Station, bumisita ang biktima sa bahay ng nakatatandang kapatid at nagpaalam na bibisita sa isang lamay.

Ngunit nagtampo ang biktima dahil nagalit ang kapatid at hindi siya pinayagang umalis.

Napag-alaman, sumigaw sa paghingi ng saklolo ang dalagita makaraan uminom ng pesticide kaya isinugod sa ospital ngunit binawian ng buhay.

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *