Friday , January 9 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Nawalan ng trabaho buntis naglason

052715 FRONTUMINOM ng lason bunsod ng depresyon ang isang buntis makaraan masibak sa trabaho bilang kasambahay kamakalawa ng umaga sa Malabon City.

Hindi na umabot nang buhay sa Pagamutang Bayan ng Malabon ang biktimang si Rosalinda Cortan, 30, ng Gulayan, Brgy. Catmon ng nasabing lungsod.

Batay sa ulat ni Chief Insp. Rey Medina, hepe ng Station Investigation Division (SID) ng Malabon City Police, dakong 9 a.m. nang nang matuklasan ang pagpapakamatay ng ginang sa loob ng kanilang bahay.

Salaysay ng mister niyang si Roseto, 38, nadatnan niya ang kanyang misis na nakahandusay sa loob ng kanilang bahay kaya isinugod niya sa nasabing pagamutan ngunit idineklarang patay na ni Dr. Ronaldo Cantilang.

Sa imbestigasyon ni PO3 Alexander Dela Cruz, labis na depresyon ang dinaranas ng anim- buwan buntis na ginang makaraan mawalan ng trabaho bilang  part time na kasambahay.

Sinabi ni Roseto, lalong nalungkot ang biktima nang hindi siya pumayag na umuwi na sila sa Mindanao dahil mahirap ang buhay roon.

Rommel Sales

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Melanie Marquez

Adam Lawyer sinagot mga akusasyon si Melanie Marquez

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SUMAGOT na thru his legal counsel si Adam Lawyer, asawa ni Melanie Marquez na …

Donny Pangilinan Kyle Echarri Roja

Donny at Kyle maangas sa pagsasanib-puwersa

PASABOG agad ang pagpasok ng bagong taon para sa Roja matapos ilabas ang mid-season trailertampok ang umiigting na …

Goitia BBM Liza Marcos

Goitia: Ang mga Paratang na Ito ay mga Sadyang Kasinungalingan

Diretsuhin na natin. Ang kumakalat ngayon online ay mga huwad at mapanirang paratang laban kina …

Manila

Para sa Traslacion 2026
Trabaho, klase sa Maynila suspendido Liquor at firecracker ban ipinatupad

HATAW News Team INIANUNSIYO ni Manila City Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso nitong Lunes, 5 …

Clark Pampanga

Sa Port of Clark, Pampanga
HIGIT P7-M ECSTASY NASABAT

NAKOMPISKA ng mga awtoridad ang higit sa p7-milyong halaga ng pinaniniwalaang ecstasy na nakapaloob sa …