INIIIMBESTIGAHAN ng pamunuan ng Manila Police District General Assignment Section ang hinggil sa lumabas na artikulo sa isang pahayagan na sinibak ang isang opisyal ng MPD Integrated Jail dahil sa nakitang record sa Close Circuit Television (CCTV) na inilalabas ang isang presong babae.
Pansamantalang tinanggal muna sa puwesto si Insp. Manuel Madlangbayan at posibleng ilipat sa MPD District Support Headquarters Unit (DSHU).
Pinalitan siya sa pwesto ni Insp. Vernerando Jr., na dating nakadestino sa MPD-ANCAR.
Ayon kay Chief Insp. Arsenio Riparip, hepe ng MPD-GAIS, nagsasagawa sila ng imbestigasyon tungkol sa sinasabing artikulo at kung mapatutunayan ito ay sasampahan ng kasong administratibo si Madlangbayan.
Leonard Basilio