Aries (April 18-May 13) Kailangan ng iyong katawan ng workout – maglakad, magtungo sa gym, o maghanap ng paraan upang magamit ang iyong muscles.
Taurus (May 13-June 21) Maaaring may makasalubong kang arogante ngayon, ngunit hindi ka dapat maging duwag sa kanya.
Gemini (June 21-July 20) Higit na aktibo ang iyong intellectual side ngayon. Malinaw mong maipapahayag ang iyong mga ideya.
Cancer (July 20-Aug. 10) Pakiramdam mo’y ikaw ay paslit na nagpapakitang gilas sa older relatives. Ngunit okey lamang ito.
Leo (Aug. 10-Sept. 16) Gamitin ang iyong amazing energy sa pagkuha ng atensiyon ng iba para maipakita ang ganda ng buhay.
Virgo (Sept. 16-Oct. 30) Desmayado ka sa mga bagay na nangyayari ngayon. Ibig sabihin nito’y kailangan mong gumawa ng paraan.
Libra (Oct. 30-Nov. 23) May malaki kang plano ngayon, at tiyak na maisasakatuparan mo ito.
Scorpio (Nov. 23-29) Akala ng iba sila ang nakatataas ngayon – at kung ganito nga ang sitwasyon, maging mapagmatyag.
Sagittarius (Dec. 17-Jan. 20) Ang iyong pagka-uhaw sa paglalakbay ay malakas ngayon, kaya sundin ang nais imbes na manatili sa iisang lugar.
Capricorn (Jan. 20-Feb. 16) Maging maingat sa hindi magandang kalakaran sa negosyo ngayon. Maaring maiwasan mo ang hindi magandang mangyayari kung agad itong mababatid.
Aquarius (Feb. 16-March 11) Sundin ang iyong wilder impulses ngayon – posibleng magdulot ito sa iyo ng something exciting.
Pisces (March 11-April 18) Kailangan mong idepensa ang iyong sarili. Posible kang mapagbintangan sa aberyang maaaring maganap.
Serpentarius (Ophiuchus) (Nov. 29-Dec. 17) Magandang ideya na harapin ang mga gawain upang matapos ito nang maaga.
ni Lady Dee