BINAWIAN ng buhay ang isang taxi driver makaraan barilin ng dalawang holdaper kahapon ng madaling araw sa Malabon City.
Kinilala ang biktima sa pamamagitan ng driver’s license na si Floredan Cuales, 40, driver ng LIZDEPEN transport service taxi (ALA-5728), at residente ng 08 Don Edilberto St., Don Enriquez Heights, Quezon City, may tama ng bala ng baril sa likod ng ulo.
Base sa ulat nina PO3 Jun Belbes at PO2 Benjamin Sy, dakong 3:55 a.m. nang maganap ang krimen sa tapat ng isang bahay sa 7-A. Acero St., Brgy. Tugatog, ng lungsod.
Ayon kay Randy Dela Cruz, 43, pedicab driver sa lugar, kitang-kita niyang nakipagbuno ang biktima sa dalawang lalaki sa loob ng kanyang taxi hanggang bigla na lamang siyang nakarinig nang malakas na putok ng baril at pagkaraan ay nagmamadaling lumabas sa nasabing sasakyan ang mga suspek.
Rommel Sales