IPASASARA na ng pamunuan ng isang paaralan sa lungsod ng Muntinlupa ang ilan nilang gusali makaraan mabatid na nakatirik sa fault line kaya posibleng gumuho kapag may naganap na lindol.
Ayon sa pamunuan ng Pedro Diaz National High School, ipasasara na nila ang ilan nilang gusali upang makaiwas sa sakuna lalo pa’t inuukupahan ito ng maraming estudyante.
Ang nasabing paaralan ay nasa National Road, Brgy. Alabang ng naturang lungsod.
Ang desisyong ito ng paralaan ay bunsod ng ipinalabas na abiso ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) na ang kanilang lugar ay nasa ng fault line.
Jaja Garcia