Monday , December 23 2024

P3.8-B LTO new plates system ‘livelihood’ ng mga opisyal?!

LTO platesISANG taon na lang at matatapos na ang termino ng ‘daang matuwid’ pero parang Pandora box na unti-unting nabubuyangyang ang mga iregular na transaksiyones.

Gaya na nga nitong kontrobersiyal na P3.8 bilyones plate deal sa Land Transportation Office (LTO) na mukha namang walang pakinabang dahil hindi naman pala ito naglalayong maisaayos ang sistema ng rehistrasyon ng mga sasakyan.

‘Yun bang tipong, gaya lang din nang dati ang sistema na ang malaking pagkakaiba magrerehistro ngayon ng sasakyan pero namuti na’t lahat ang mata ng may-ari, ‘e wala pa rin ang sticker at ang plaka.

Anyare sa P3.8-B plate project?!

Lumalabas na malaking disabentaha hindi lang sa mga motorista kundi sa sambayanan dahil ang laki ng budget pero walang pakinabang.

Tanging ang mga contractor na tumiba at mga kasabwat nila ang natuwa sa proyektong ito!

Mantakin ninyo, halimbawang isang motorista ang bumili ng sasakyan at kanyang inaasahan na magagamit agad ito sa kanyang pang-araw-araw na aktibidad, trabaho man o negosyo, ‘e paano nga kung walang plaka at maging ang sticker ay hindi maibigay agad?!

‘E di nakatengga lang ang sasakyan?!

Paano kung inutang ‘yung sasakyan at inaasahan na makatutuwang sa pagbabayad ng monthly bill sa auto loan pero dahil walang sticker o plaka ‘e hindi mailabas ‘yung sasakyan?!

Nabaon lang sa utang ‘yung nag-loan ng sasakyan.

Lumalabas na gumastos lang sa pagbili ng  sasakyan at pagpaparehistro pero hindi naman mapakikinabangan.

Hindi lang sa mga bagong sasakyan ‘yan. Ganoon din sa mga mayroon nang dating plaka, gusto pa rin ng LTO na baguhin pero hindi naman pala kaya.

Ganoon din sa pag-a-apply o pagre-renew ng driver’s license.

Bibigyan ng temporary license na good for 90 days kuno, pero noong balikan na para sa permanent license tinatakan ng hanggang 2017 pa ang kanyang tiket.

Ano ba ang nangyayari d’yan sa ahensiya mo LTO chief ALPUNSO ‘este ALFONSO TAN?!

Kaya mo ba talagang pamunuan ang LTO o baka naman gusto mo nang ipasara ‘yan?!

Kani-kanino kayang bulsa maiimbudo ‘yung P3.8 bilyones, Atty. Tan?!

Talaga namang tuwad na tuwad ‘este  tuwid na tuwid ang inyong daan!

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *