Monday , December 23 2024

Ping, Ping muling kumakalansing para sa 2016

051315 Ping LacsonAS USUAL parang barya na namang kumakalansing ang mga papansin ni Ping a.k.a. ex-PNP chief, ex-anti-crime and rehab czar, and ex-senator Panfilo “Ping” Lacson para sa darating na election event sa 2016.

Nasasayangan tayo sa ‘dagundong’ na nilikha ng pangalan ni Ping noong pabor na pabor pa sa kanya ang panahon.

Bagama’t pawang kontrobersiyal ang kanyang achievements hindi maikakailang sa kabila ng kaberduguhan ay naikintal din niya ang imaheng Mr. Clean.

Sino ba naman ang hindi bibilib sa Senador na hindi kumukuha ng pork barrel fund at rehab czar na wala rin pondo.

O ‘di ba?! Para siyang may ‘halo’ sa ulo?!

At ‘yang imahe na ‘yan ang ginagamit ngayon ni Ping at ng kampong nagtutulak sa kanya para tumakbong presidente sa 2016.

Kung ikokompara nga naman sa presidentiable na tila wala nang alam, malamya pa ang career; at isa pang presidentiable na beteranong street parliamentarian pero hataw naman sa overpriced transactions sa mga kontrata, ‘e mukhang baka mayroon nga namang maligaw na sumimpatiya sa ‘Mr. Clean’ na si Ping.

Pero sabi nga, kuwidaw, kaiingat.

Sa simula’t simula pa ay hindi nakikita ang determinasyon ni Ping na masungkit ang pinakamataas na posisyon sa bansa.

Lagi lang siyang nagsasalita na tila humahamig ng simpatiya at nagpapansin para sa huli ay areglohin?!

Naalala pa natin noong tumakbong presidente ang yumaong Fernando Poe Jr. Ang dapat na running mate niya noon ay si Ping.

Kasado na ang buong kampo ng aktor para sa pagpipinal ng kasunduan at sa ganoong set-up nang biglang umatras si Ping.

Walang paliwanag kung bakit.

Sabi nga ng isang very close kay Da King FPJ, biglang cannot be reached na si Ping sa kanyang cellphone nang tinatawagan siya bago ang filing ng candidacy.

Pero later on, lumutang ang impormasyon, isang alyas Zamora umano ang nagkombinsi kay Ping na umatras bilang running mate ni FPJ.

Magkano ‘este ano kaya ang malaking dahilan at nakombinsi si Ping ng isang alyas Zamora?

Dahil kaya sa ‘token’ ni Mr. FG?

Kung ano man ang naging dahilan, sana ay huwag na itong maulit na mangyari kay Sen. Grace Poe.

Kung hindi pa rin tayo nagkakamali, isa ‘yan sa mga isinama ng loob ni FPJ…

Hinamon siyang pamunuan ang laban para itayo ang pangalan ng kanyang BFF na si Erap.

Pero ang mga inakala niyang aalalay sa kanya sa likuran ay tila itinulak siya sa bangin ng kapahamakan at kataksilan.

Kaya hindi na tayo nagtataka kung bakit ang dagundong dati ng pangalan ni Ping ay biglang naging kalansing.

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0927.590.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *