ARESTADO ang kahero ng isang gasoline station sa Brgy. Balagtas, sa bayan ng San Rafael, Bulacan, sinasabing ginawang tindahan ng shabu, sa pagsalakay ng mga awtoridad sa lugar kamakalawa.
Kinilala ang naaresto na si Danilo Villaroman Jr., kahero at tagapangasiwa ng isang sangay ng Petron gasoline station sa nasabing lugar.
Narekober sa pag-iingat ng suspek ang P500 marked money na ginamit sa operasyon at walong plastic sachets ng hinihinalang shabu na tinatayang nagkakahalaga ng P15,000.
Aminado ang suspek na gumagamit siya ng shabu ngunit itinangging nagbebenta siya ng nasabing ipinagbabawal na droga.
Daisy Medina