Tuesday , November 19 2024

Mag-ingat sa mga berdugong pulis at sekyu sa NAIA Terminal 1

NAIA terminal 1MUKHANG nagkamali ng destinasyon ang dalawang Airport police at isang security guard na naitalaga d’yan sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) terminal 1.

Bakit ‘kan’yo?!

Aba ‘e sa asal at gawi nitong tatlong kamoteng may ulalo na ‘to ‘e hindi sila nararapat na italaga sa isang ahensiyang itinuturing na window of the world ng ating bansa.

Bastos, arogante at walang konsiderasyon ang dalawang airport police na kinilalang isang AP ESTRELLA at AP ANTONIO; at sinahugan pa ng isang isang security guard na si FRANCISCO.

Kamakalawa, isang KABULABOG natin ang sumundo sa kanyang Nanay sa NAIA Terminal 1.

Ang usapan nila kapag palabas na, saka umakyat sa rampa (departure area). Dahil hi-tech na ang mundo ngayon, isang ring or text lang nagkaalaman na ang mag-ina. Papalabas na sa terminal 1 ang nanay, paakyat naman sa rampa ang anak na susundo.

Heto na, paghinto sandali ng sasakyan ng anak para sunduin ang ina, biglang lumapit ang tatlong  kamoteng may ulalo na sina Estrella, Antonio at Francisco, at sinita ang sasakyan.

Bawal daw pumarada doon.

Ay kamote talaga, paparada ba?! Puwede bang pumarada sa harap ng NAIA terminal 1?!

Kaya nagpaliwanag ang Kabulabog natin: “Susunduin ko lang po ang Nanay ko, ayan na, palabas na po.”

Pero hindi natin alam kung ano ang ‘tinira’ ng dalawang Airport police at sekyu na parang nanlilisik ang mga mata at hindi matigil-tigil ang pang-aasik sa kaanak natin.

Hindi lang kinuyog kundi nagmumura pa ang tatlong kamote sa pobreng driver.

Grabe sa kabastusan ‘yung tatlong kamote. Hindi man lang muna nagtanong kung ano o sino ba ‘yung hinihintay ng kaanak natin at bigla na lamang nagtatatarang sa pagsita.

‘E paano pala kung anak ng heneral o congressman ‘yang susundo ng nanay niya?!

‘E di umikot na naman ang mga puwet ninyo sa kapapaliwanag!

Idadamay pa ninyo ang boss ninyong si Major Gen. Vicente Guerzon, Jr. sa kagaguhan n’yo!

Kahit anong pagpapaganda at pag-aayos ang gawin ni GM Jose Honrado sa NAIA terminal 1 kung  ganyan namang arogante, bastos at walang kabutihang asal ang ilang Airport police at security guard, hindi rin magiging epektibo.

Gumanda man ang estruktura ng NAIA T1 pero ang mga tao sa paligid ay bastos at walang modo, anong saysay nang ganoon?

Worst airport pa rin ang paliparan natin!

M/Gen. Guerzon, puwede bang pakiimbestigahan mo ang kabastusan ng dalawang Airport police na sina Estrella at Antonio, kasama ang sekyung si Francisco?!

Makikita naman sa CCTV ang kaangasan ng tatlong bugok na ‘yan!

Malaking kasiraan ‘yan sa inyong pamumuno kung hindi ninyo sila mare-reprimand.

Aba ‘e sayang ang mga effort mo, Gen. Guerzon.

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *