ISANG araw may tatlong lalaking namatay, pumunta na sa langit at nakaharap si San. Pedro…
San Pedro: Ikaw Juan? Bakit ka binawian ng buhay?
Juan: Inatake po ako sa puso, nang buhatin ang baul at na-out of balance kaya nahulog ang baul sa bintana.
San Pedro: (Napailing) Ikaw naman Totoy? Bakit ka binawian ng buhay?
Totoy: Kasi po habang naglalakad, nadaganan ako ng baul.
San Pedro: Awsuu! Na-final destination Hijo. Ikaw naman Pedro? Ano ang sanhi ng iyong pagkamatay?
Pedro: Nagnanakaw ako sa isang bahay biglang may pumasok na tao kaya nagtago ako sa baul. Hindi ko po alam kung bakit ako namatay.