MAKARAAN ang maghapon na pagtakbo, nagkumot ang isang kabayo at natulog.
Maging ang kabayo ay kailangan din magpahinga, ito ang pinatunayan ni Rumba ang Wonder Horse.
Sinabi ni Georgia Bruce, ang Australian animal trainer ni Rumba, itinuro niya kay Rumba ang ‘adorable trick’ ng pagkumot sa kanyang sarili sa pamamagitan ng paggamit ng ‘positive reinforcement’.
Sino ba ang hindi makatutulog sa mabangong kumot at malambot na unan?
At ano kaya ang mapapanaginipan ni Rumba habang siya ay natutulog? (THE HUFFINGTON POST)