Friday , November 15 2024

14 personahe ipinaaaresto (VP Binay probe inisnab)

IPINAAARESTO ng Senate Blue Ribbon Comittee ang 14 personalidad dahil sa pag-isnab sa pagdinig ng Senado sa sinasabing mga anomalya ni Vice President Jejomar Binay.

Kabilang sa na-contempt ang negosyanteng si Antonio Tiu at kapatid na si James Tiu, ang sinasabing bagman ni Vice President Binay na si Gerardo Limlingan.

Lalagdaan muna ni Senate President Franklin Drilon ang arrest warrant laban sa mga nabanggit bago ipatupad.

Kabilang din sa ipinaaaresto sina Anne Lorraine Buencamino-Tiu, sister-in-law ni Antonio Tiu; Vissia Marie Aldon; Danilo Villas; Aida Alcantara; Hirene Lopez; Irene Chong; Imee Chong; Kim Tun Chong; Irish Chong; Erlinda Chong; at Kimsfer Chong.

Hindi naisama sa contempt sina University of Makati at Pag-IBIG board member Prof. Tomas Lopez at Engr. Mario Badillo makaraan mangako sa komite na dadalo sa susunod na mga pagdinig.

About hataw tabloid

Check Also

La Consolacion College Fire

Sa Mendiola, Maynila  
LA CONSOLACION NASUNOG EMPLEYADO SUGATAN

SUGATAN ang isang empleyado sa sunog na tumupok sa La Consolacion College, sa Mendiola St., …

Motorsiklo sinikwat tirador natunton sa mga kuha ng CCTV

Motorsiklo sinikwat ‘tirador’ natunton sa mga kuha ng CCTV

NADAKIP ng mga awtoridad ang isang lalaki matapos nakawin ang isang nakaparadang motorsiklo sa Sta. …

Carlwyn Baldo

Kalusugan nalagay sa alanganin
LEGAL TEAM NI DARAGA MAYOR CARLWYN BALDO PINAG-AARALAN KASONG ISASAMPA LABAN SA NURSE  
Warden humingi ng paumanihin

PINAG-AARALAN ng kampo ni Daraga Mayor Carlwyn Baldo ang kasong isasampa laban sa nurse ng …

Duterte Gun

Duterte aminadong pumatay ng 6 o 7 kriminal noong alkalde ng Davao City

INAMIN ni dating Pangulong Rodrigo Duterte kahapon, Miyerkoles na pumatay siya ng anim o pitong …

111424 Hataw Frontpage

PH mistulang killing fields sa ‘Duterte drug war — Solon

ni GERRY BALDO NAGMISTULANG killing fields ng mga drug suspect at inosenteng sibilyan ang Filipinas …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *