Sunday , December 22 2024

Chairwoman, 2 kagawad sinuspinde ng Ombudsman (2 kelot pinarusahang uminom ng 10 bote ng gin)

INIUTOS ng Office of the Ombudsman sa Department of Interior and Local Government (DILG) ang pagpapatupad ng tatlong buwan suspensiyon nang walang sahod sa isang barangay chairwoman at dalawang kagawad ng isang barangay sa City of San Jose del Monte, Bulacan.

Iniutos ni Deputy Ombudsman for Luzon Gerard Mosquera ang suspensiyon laban kay Laarnie Miranda Contreras, barangay chairwoman ng Brgy. Poblacion 1 sa City of San Jose del Monte, Bulacan, at sa dalawang barangay kagawad na sina Roviceint Clinton Española, at Morris Reynate Medina.

Habang inabsuwelto ng Ombudsman sina Ernesto Daza Jr., Edwin L. Espanola, Jimmy Gordon Domingo at Fernando SD Dispo bunsod ng kawalan umano nang sapat na ebidensiya.

Ang desisyon ay batay sa isinampang kasong abuse of authority at misconduct ng kapatid ng namatay na si Abundio Baltazar na si Miguela B. Arandela ng nasabi ring lugar.

Ayon kay Arandela, noong Hulyo 16, 2014, dinala ng mga respondent ang kanyang kapatid na si Baltazar, at si Edgardo Villano sa barangay hall kaugnay sa sinabing nawawalang galvanized iron.

Aniya, bagama’t walang pormal na kasong isinampa sa dalawang nabanggit ay ikinulong sila sa barangay hall at iniutos ni Contreras na ubusin nila ang 10 bote ng gin. Bunsod nito, nawalan ng malay sina Baltazar at Villano.

Isinugod sa ospital si Baltazar ngunit nalagutan ng hininga habang nilalapatan ng lunas.

Dagdag ni Arandela, nasaksihan ni Josephine Judalena na binigyan ni Contreras ng pera si Chief Tanod Heny Malincon at barangay tanod Robero San Diego na bumili ng gin na tugma sa pahayag ni Villano na siya at si Baltazar ay dinala sa barangay hall at ipinaubos ang 10 bote ng gin.

Sa panig ng mga respondent, idiniin nilang kusang nagtungo sina Baltazar at Villano sa barangay hall nang kanilang imbitahan kaugnay sa nawawalang galvanized iron, at ang insidente ay nai-record sa barangay blotter; at ang complainant na si Cromnell Rotoni ay hindi na interesadong isulong ang kaso laban sa dalawa.

Anila, nagbigay si Contreras ng P200 upang makombinse sina Baltazar at Villano na huwag nang ibenta ang yero. Ngunit hindi umano batid ni Contreras na ibibili ng gin nina Baltazar at Villano ang nasabing halaga at iinomin sa barangay hall.

Dagdag ng mga respondent, umalis sila sa barangay hall para magpatupad ng clearing operation ngunit sa kanilang pagbalik dakong 12 p.m. ay naabutang umiinom sina Baltazar at Villano sa labas ng barangay hall hanggang makatulog dakong 1 p.m.

Giit ng respondents, hindi nila inaresto at ikinulong sina Baltazar at Villano at hindi rin pinagbawalang umuwi. Katunayan anila ay nasa labas sila ng barangay hall. Hindi rin umano nila pinuwersa ang dalawa na uminom at walang patunay na tinakot nila.

Gayonman, nabatid sa imbestigasyon na sila ay binigyan ng alak, inutusang manatili at uminom hanggang pagdating ni Rotoni na nagsabi sa kanilang iniuurong na niya ang kaso laban sa dalawa.

Sa death certificate, nabatid na si Baltazar ay namatay sa myocardial infarction o atake sa puso.  

Gayon man hindi umano napatunayan ng complainant na sinaktan si Baltazar ng mga respondent, kaya ang ‘abuse of authority’ ay hindi na-establisa.

Sa desisyon ng Ombudsman, ang mga res-pondent ay guilty sa simple misconduct “defined as intentional wrongdoing or deliberate violation of a rule of law or standard of behavior.”

“Wherefore, finding substantial evidence, judgment is hereby rendered finding respondent Laarnie Miranda Contre-ras, Roviceint Clinton Española and Morris Reynante Medina are administratively liable for simple misconduct and are hereby meted the penalty of suspension from office for three monts, pursuant to Section 10, Rule III, Administrative Order No. 07, as amended by Administrative Order No. 17 in relation to Section 25 of Republict Act no. 6770,” ayon sa utos ng Ombudsman.

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Sa Payatas, QC
P.7-M SHABU NASABAT ‘LADY PUSHER’ TIMBOG

ARESTADO ang 19-anyos babae sa isinagawang buybust operation ng mga awtoridad sa Brgy. Payatas A, …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *