Friday , November 15 2024

6 taon kulong ‘sentensiya’ ng BFP Spokesperson sa Kentex fire  

MAAARING makulong ng mula anim buwan hanggang anim na taon ang may-ari ng Kentex Manufacturing Corp., at iba pang responsable sa malagim na sunog sa pagawaan ng tsinelas na ikinamatay ng 72 katao sa lungsod ng Valenzuela.

Ito ang paniniwala ni Bureau of Fire Protection spokesman Supt. Renato Marcial at sinabing dapat managot ang mga responsable sa insidente dahil maraming buhay ang nabuwis.

Nabatid na binigyan ng dalawang linggo ang Inter-Agency Task Force upang tapusin ang kanilang imbestigasyon sa malagim na trahedya sa pabrika ng tsinelas.

Ang Inter-Agency Task Force ay kinabibilangan ng Philippine National Police, Bureau of Fire Protection , Department of Justice, at Department of Health.

Samantala, siniguro ng lokal na pamahalaan ng Valenzuela City na mayroong legal counsel sa muling pakikipagharap ng ilang opisyal ng pabrika na nasunog at sa mga pamilya ng biktima.

Ayon kay Valenzuela Mayor Rex Gatchalian, ang kanilang hakbang ay upang mapangalagaan ang karapatan ng mga manggagawa.

Una nang pinuna ng alkalde ang kakarampot na P5,000 na financial assistance sa pamilya ng 72 namatay sa sunog.

Nitong araw ng Sabado, namigay ang Kentex Manufacturing, Corp., may-ari ng pagawaan ng tsinelas, ng P8,000 bilang suweldo at P5,000 financial assistance.

Tiniyak ng abogado ng pabrika na si Atty. Renato Paraiso na inisyal lamang ang tulong.

Nilinaw din niya na walang pinapirma sa mga kawani at pamilya ng mga biktima na dapat iurong na nila kung meron mang balak magkaso kung sakaling tumanggap sila ng pera.

Aniya, ang pinapirmahan lamang ay cash vouchers at pagpapatunay sa kanilang natanggap.

Gayon man, walang ibinigay na kompirmasyon ang mga pamilya ng mga biktima kung tinanggap nila ang alok ng Kentex management.

3 welder ng Kentex hawak na ng PNP

NASA kustodiya na ng Valenzuela City Police Office ang tatlong welder na nagtrabaho sa pabrika na naging sanhi ng malagim na trahedya na ikinamatay ng 72 katao.

Ayon kay Valenzuela Police chief, SSupt. Roderick Armamento, nakapagbigay na ng salaysay sa pulisya ang tatlong trabahador na mga welder.

Matatandaan, isinisisi sa pagwe-welding sa gate malapit sa mga kemikal ang sumiklab na sunog sa pabrika dahil natalsikan ng baga ang rubber emulsifier at nagliyab.

Ngunit tumanggi si Armamento na pangalanan ang mga welder lalo’t may banta sa buhay ang isa sa kanila.

Sinabi ni Armamento na magkakatugma ang salaysay ng tatlong welder ng Kentex Manufacturing Corporation.

Sa ngayon, nagpapatuloy rin ang imbestigasyon ng Valenzuela police kaugnay sa malagim na insidente.

Inter-agency TF binuo ng Palasyo

NAGBUO ng isang interagency task force ang Palasyo na magsisiyasat sa naganap na sunog sa pabrika ng tsinelas sa Valenzuela City na ikinamatay ng 72 katao at upang panagutin ang mga nagpabaya kaya naganap ang trahedya.

Sinabi ni Communications Secretary Herminio Coloma Jr., ang interagency task force ay bubuuin ng Department of Interior and Local Government (DILG), Bureau of Fire Protection (BFP), Department of Justice (DoJ), National Bureau of Investigation (NBI), Department of Labor and Employment (DOLE) at Department of Health (DoH).

Suportado rin aniya ng Malacañang ang panawagan ni Labor Secretary Rosalinda Baldoz sa Kongreso na amyendahan ang mga umiiral na batas hinggil sa occupational safety and health upang maging kriminal na kaso ang paglabag dito.

“We urge our lawmakers to seriously see our plea for the enactment of these measures in a positive light, and that is for the ultimate welfare and protection of our workers, and the delivery of labor justice by punishing heartless employers,” ani Baldoz.

Bukod sa pag-amyenda sa 1978 Occupational Safety and Health Standards, hiniling din ni Baldoz sa Kongreso na madaliin ang pagpapasa sa House Bill 2226 o An Act Criminalizing Non-Compliance with Occupational Safety and Health Standards; Senate Bill 1368 o An Act to Govern Occupational Safety and Health in the Construction Industry, at HB 2471 o An Act to Procide for Unifor Warning on Personal Protective Equiment for Occupational Use.

Makikipagpulong ngayon ang DoLE sa mga opisyal ng Kentex Manufacturing Corporation at ang subcontractor nitong CJC Manpower Services.

Batay sa inisyal na imbestigasyon ng DoLE, hindi rehistradong subcontractor ang CJC.

Sabi ni Coloma, inaasikaso na ng DoLE at ng Employees Compensation Commission (ECC) ang mga pangangailan ng mga pamilya ng mga biktima ng trahedya.

Rose Novenario

About hataw tabloid

Check Also

La Consolacion College Fire

Sa Mendiola, Maynila  
LA CONSOLACION NASUNOG EMPLEYADO SUGATAN

SUGATAN ang isang empleyado sa sunog na tumupok sa La Consolacion College, sa Mendiola St., …

Motorsiklo sinikwat tirador natunton sa mga kuha ng CCTV

Motorsiklo sinikwat ‘tirador’ natunton sa mga kuha ng CCTV

NADAKIP ng mga awtoridad ang isang lalaki matapos nakawin ang isang nakaparadang motorsiklo sa Sta. …

Carlwyn Baldo

Kalusugan nalagay sa alanganin
LEGAL TEAM NI DARAGA MAYOR CARLWYN BALDO PINAG-AARALAN KASONG ISASAMPA LABAN SA NURSE  
Warden humingi ng paumanihin

PINAG-AARALAN ng kampo ni Daraga Mayor Carlwyn Baldo ang kasong isasampa laban sa nurse ng …

Duterte Gun

Duterte aminadong pumatay ng 6 o 7 kriminal noong alkalde ng Davao City

INAMIN ni dating Pangulong Rodrigo Duterte kahapon, Miyerkoles na pumatay siya ng anim o pitong …

111424 Hataw Frontpage

PH mistulang killing fields sa ‘Duterte drug war — Solon

ni GERRY BALDO NAGMISTULANG killing fields ng mga drug suspect at inosenteng sibilyan ang Filipinas …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *