Friday , November 15 2024

72 death toll sa pabrikang nasunog  sa Valenzuela (30 sugatan)

051515 FRONTUMABOT na sa 72 katao ang bilang ng kompirmadong namatay habang 30 ang nasugatan sa naganap na sunog sa pabrika ng tsinelas nitong Miyerkoles sa Valenzuela City.

Ayon sa ulat na inilabas ni Valenzuela City Mayor Rex Gatchalian, dakong 1:40 p.m. kahapon umabot na sa 72 ang nakuhang bangkay mula sa nasunog na Kentex Manufacturing Corpor., sa Tatalon St., Brgy. Ugong ng nasabing lungsod.

Napag-alaman, nahirapan ang mga tauhan ng Scene of the Crime Operation (SOCO) na makuha ang mga buto dahil nadaganan ng mabibigat na bagay at tanging ang nakalabas lamang ay ilang parte ng mga nasunog na bangkay.

Kabilang sa mga nasugatan sa sunog sina Terence Ong, at Carlito Ong na nakalabas na mula sa Chinese General Hospital makaraan malapatan ng lunas, habang naka-confine pa sa Valenzuela Emergency Hospital sina June Panado, Aljun Peron, gayondin si Aiza Atesado na ginagamot sa National Orthopedic Hospital sanhi ng pagkabali ng mga buto.

Isa sa mga namatay ay kinilalang si Tristan King, 25, anak ng isa sa mga may-ari ng nasunog na pabrika ng tsinelas, habang inaalam pa ang pagkakakilanlan ng iba pang mga namatay at nasugatan.

Matatandaan, dakong 11:23 p.m. nang masunog ang naturang pabrika nang tumalsik ang baga ng nagwe-welding na trabahador, sa kemikal na ginagamit sa paggawa ng tsinelas.

Ayon sa pulisya, nasa kostudiya na nila ang hindi pa pinangalanang welder.

Agad nakatakbo palabas ang mga empleyado na nasa unang palapag habang ang mga nagtatrabaho sa second floor ay nakulong at hindi na makalabas dahil sa biglang paglaki ng apoy, at hindi agad nakita ang susi ng kandado ng fire exit, ayon sa mga nakaligtas.

Rommel Sales

About hataw tabloid

Check Also

La Consolacion College Fire

Sa Mendiola, Maynila  
LA CONSOLACION NASUNOG EMPLEYADO SUGATAN

SUGATAN ang isang empleyado sa sunog na tumupok sa La Consolacion College, sa Mendiola St., …

Motorsiklo sinikwat tirador natunton sa mga kuha ng CCTV

Motorsiklo sinikwat ‘tirador’ natunton sa mga kuha ng CCTV

NADAKIP ng mga awtoridad ang isang lalaki matapos nakawin ang isang nakaparadang motorsiklo sa Sta. …

Carlwyn Baldo

Kalusugan nalagay sa alanganin
LEGAL TEAM NI DARAGA MAYOR CARLWYN BALDO PINAG-AARALAN KASONG ISASAMPA LABAN SA NURSE  
Warden humingi ng paumanihin

PINAG-AARALAN ng kampo ni Daraga Mayor Carlwyn Baldo ang kasong isasampa laban sa nurse ng …

Duterte Gun

Duterte aminadong pumatay ng 6 o 7 kriminal noong alkalde ng Davao City

INAMIN ni dating Pangulong Rodrigo Duterte kahapon, Miyerkoles na pumatay siya ng anim o pitong …

111424 Hataw Frontpage

PH mistulang killing fields sa ‘Duterte drug war — Solon

ni GERRY BALDO NAGMISTULANG killing fields ng mga drug suspect at inosenteng sibilyan ang Filipinas …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *