Friday , January 9 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

13-anyos dalagita pinilahan ng 4 manyak

GUMACA, Quezon – Halinhinang ginahasa ng apat kalalakihan ang isang 13-anyos dalagita sa Brgy. Poblacion ng nabanggit na bayan kamakalawa.

Itinago ang biktima sa pangalang Juliet, residente ng nasabing lugar.

Batay sa ulat ni Chief Insp. Romulo Albacea, hepe ng Gumaca PNP, dakong 9:40 p.m. naglalakad ang biktima sa tabi ng riles ng tren kasama ang isang kaibigan na nagngangalang Tony, nang masalubong nila ang dalawang suspek na kapwa 40-anyos, at isang 16 anyos binatilyo na armado ng patalim.

Itinulak aniya siya ng mga suspek sa madilim na lugar sa taniman ng saging at halinhinang ginahasa ng mga suspek.

Aniya, imbes na tulungan siya ni Tony ay ginahasa rin siya ng lalaki.

Nang makaraos ay mabilis na tumakas ang mga suspek habang agad nagreklamo sa himpilan ng pulisya ang biktima.

Pinaghahanap na ng mga awtoridad ang mga suspek na pansamantalang hindi ibinunyag ang pagkakakilanlan.

Raffy Sarnate

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Goitia BBM Liza Marcos

Goitia: Ang mga Paratang na Ito ay mga Sadyang Kasinungalingan

Diretsuhin na natin. Ang kumakalat ngayon online ay mga huwad at mapanirang paratang laban kina …

Manila

Para sa Traslacion 2026
Trabaho, klase sa Maynila suspendido Liquor at firecracker ban ipinatupad

HATAW News Team INIANUNSIYO ni Manila City Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso nitong Lunes, 5 …

Clark Pampanga

Sa Port of Clark, Pampanga
HIGIT P7-M ECSTASY NASABAT

NAKOMPISKA ng mga awtoridad ang higit sa p7-milyong halaga ng pinaniniwalaang ecstasy na nakapaloob sa …

Nicolas Torre III MMDA

Gen. Nicolas Torre III bagong MMDA GM, ops chief at tagapagsalita ng ahensiya  

MALUGOD na tinanggap ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) si Undersecretary Nicolas Torre III bilang …

explosion Explode

Kabahayan, mga bus nasira dahil sa pagsabog ng ‘deadly firecracker’; 4 timbog, 1 pa pinaghahanap sa Bulacan

NAARESTO ng mga awtoridad nitong Sabado, 3 Enero, ang apat na kalalakihan habang hinahanap ang …