Friday , January 9 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Kabit pinatay isinemento ng lover boy

NATAGPUAN ng pulisya ang bangkay ng isang babaeng pinatay ng karelasyon sa Marilao, Bulacan. 

Nahukay ng Scene of the Crime Operatives (SOCO) at mga lokal na opisyal ang labi ni Romaine Dalmacio na isinimento sa loob ng bahay ng suspek sa Estrella Subdivision, Brgy. Patubig. 

Ito’y makaraan aminin ni Reynold Victoria ang krimen sa himpilan ng pulisya dahil sa pagbagabag ng konsensiya.

Kuwento ni Victoria, Abril 27, 2011 nang sumugod si Dalmacio sa bahay niya at ng kanyang asawa habang armado ng baril.

Napatakbo aniya ang kanyang mag-iina habang nagpambuno sila ni Dalmacio. Ngunit sa pagdepensa aniya sa sarili ay napukpok niya ng martilyo sa ulo si Dalmacio na agad niyang ikinamatay.

Sa takot ni Victoria ay isinimento na lamang niya ang bangkay ng karelasyon sa kanilang kusina at naitago ito sa loob ng apat na taon. 

Kasama rin sa nakuha ng mga awtoridad mula sa crime scene ang mga ginamit ng suspek sa krimen. 

“Sa loob po ng apat na taon ay palagi ko siyang napapanaginipan, kinokonsensiya po niya ako sa ginawa kong pagpatay sa kanya. Hindi na po ako makatagal kaya sumuko na ako,” pahayag ni Victoria.

Sasampahan ng kasong murder si Victoria.

Daisy Medina

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Goitia BBM Liza Marcos

Goitia: Ang mga Paratang na Ito ay mga Sadyang Kasinungalingan

Diretsuhin na natin. Ang kumakalat ngayon online ay mga huwad at mapanirang paratang laban kina …

Manila

Para sa Traslacion 2026
Trabaho, klase sa Maynila suspendido Liquor at firecracker ban ipinatupad

HATAW News Team INIANUNSIYO ni Manila City Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso nitong Lunes, 5 …

Clark Pampanga

Sa Port of Clark, Pampanga
HIGIT P7-M ECSTASY NASABAT

NAKOMPISKA ng mga awtoridad ang higit sa p7-milyong halaga ng pinaniniwalaang ecstasy na nakapaloob sa …

Nicolas Torre III MMDA

Gen. Nicolas Torre III bagong MMDA GM, ops chief at tagapagsalita ng ahensiya  

MALUGOD na tinanggap ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) si Undersecretary Nicolas Torre III bilang …

explosion Explode

Kabahayan, mga bus nasira dahil sa pagsabog ng ‘deadly firecracker’; 4 timbog, 1 pa pinaghahanap sa Bulacan

NAARESTO ng mga awtoridad nitong Sabado, 3 Enero, ang apat na kalalakihan habang hinahanap ang …