Friday , November 15 2024

Speech writers kinastigo ni Pnoy

MULING kinastigo ni Pangulong Benigno Aquino III ang kanyang speech writers dahil tila natutulog sa pansitan nang walang naihandang talumpati para sa kanya sa turnover ng dividend checks ng 48 government owned and controlled corporations (GOCCs) sa Palasyo.

Nagbigay ng impromptu speech ang iritadong Pangulo hawak ang ilang pirasong papel, imbes na basahin ang talumpati sa teleprompter.

“Wala hong teleprompter. Mayroon ho akong apat na kodigo rito. Sana matuto ang aking speechwriters na maghanda nang mas maaga. Gayahin niyo ang efficiency ng GOCCs,”  aniya.

Sinabi ng Pangulo na ayaw niya nang mahabang talumpati para hindi na maaksaya ang oras ng mga dumalo sa okasyon at makabalik na sa kani-kanilang tanggapan.

“Huwag ho kayong mag-alala, siguro mga tatlong minuto lang ang ating talumpati sa araw na ito. I-high light lang natin ang dapat i-high light talaga. Hindi na ako magpapakahaba pa. I-yong inaaksaya kong oras ninyo habang (andito kayo), pwede naman kayong nasa opisina,” dagdag niya.

Ang paghahanda ng talumpati ng Pangulo ay responsibilidad ng Presidential Communications Development and Strategic Planning Office na pinamumunuan ni Secretary Manuel Quezon III.

Ilang beses nang binatikos ng Pangulo ang kanyang speech writers kapag hindi niya kursunada ang kanyang mga talumpati.

Hindi tumugon si Quezon sa tanong ng mga mamamahayag kung bakit nadiskaril ang speech ng Pangulo sa GOCC event.

Rose Novenario

About hataw tabloid

Check Also

La Consolacion College Fire

Sa Mendiola, Maynila  
LA CONSOLACION NASUNOG EMPLEYADO SUGATAN

SUGATAN ang isang empleyado sa sunog na tumupok sa La Consolacion College, sa Mendiola St., …

Motorsiklo sinikwat tirador natunton sa mga kuha ng CCTV

Motorsiklo sinikwat ‘tirador’ natunton sa mga kuha ng CCTV

NADAKIP ng mga awtoridad ang isang lalaki matapos nakawin ang isang nakaparadang motorsiklo sa Sta. …

Carlwyn Baldo

Kalusugan nalagay sa alanganin
LEGAL TEAM NI DARAGA MAYOR CARLWYN BALDO PINAG-AARALAN KASONG ISASAMPA LABAN SA NURSE  
Warden humingi ng paumanihin

PINAG-AARALAN ng kampo ni Daraga Mayor Carlwyn Baldo ang kasong isasampa laban sa nurse ng …

Duterte Gun

Duterte aminadong pumatay ng 6 o 7 kriminal noong alkalde ng Davao City

INAMIN ni dating Pangulong Rodrigo Duterte kahapon, Miyerkoles na pumatay siya ng anim o pitong …

111424 Hataw Frontpage

PH mistulang killing fields sa ‘Duterte drug war — Solon

ni GERRY BALDO NAGMISTULANG killing fields ng mga drug suspect at inosenteng sibilyan ang Filipinas …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *