Friday , January 9 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Pacman mainit na sinalubong ng fans  

HINDI magkamayaw sa pagkaway at paghiyaw ang mga nakaabang na fans ni boxing icon Manny Pacquiao habang nag-mo-motorcade kahapon. 

Dakong 10 a.m. kahapon nang mag-umpisang umusad ang convoy ni Pacman na nagsimula sa isang hotel sa Makati.

Ang ruta ng motorcade ni Pacman ay dumaan sa mga sumusunod na lugar: Pasay road sa Makati, patungong Makati Avenue, lumiko sa may Sen. Gil Puyat Avenue at tinumbok ang Roxas Boulevard patungong Rajah Sulayman park at dumiretso sa Manila Hotel.

Daan-daang fans ang naka-antabay sa kalye para masilayan Filipino ring icon na namigay ng mga tshirt, CD at posters.

Nagsisilabasan ang mga empleyado ng ilang establishments kung saan dumaan ang convoy ni Pacman.

Habang umuusad ang convoy kasabay rito ang pagtutog ng kanta ni Pacman.

Pasado 11 a.m. nang marating ng convoy ni Pacman ang Rajah Sulayman park sa Maynila kung saan isang programa ang inihanda.

Ang nasabing programa ay bahagi ng heroes welcome nila kay Pacquiao na isang adopted son ng Maynila.

Sa maikling mensahe ni Pacman kanyang pinasalamatan ang mainit na pagsalubong sa kanya ng mga Filipino.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Goitia BBM Liza Marcos

Goitia: Ang mga Paratang na Ito ay mga Sadyang Kasinungalingan

Diretsuhin na natin. Ang kumakalat ngayon online ay mga huwad at mapanirang paratang laban kina …

Manila

Para sa Traslacion 2026
Trabaho, klase sa Maynila suspendido Liquor at firecracker ban ipinatupad

HATAW News Team INIANUNSIYO ni Manila City Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso nitong Lunes, 5 …

Clark Pampanga

Sa Port of Clark, Pampanga
HIGIT P7-M ECSTASY NASABAT

NAKOMPISKA ng mga awtoridad ang higit sa p7-milyong halaga ng pinaniniwalaang ecstasy na nakapaloob sa …

Nicolas Torre III MMDA

Gen. Nicolas Torre III bagong MMDA GM, ops chief at tagapagsalita ng ahensiya  

MALUGOD na tinanggap ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) si Undersecretary Nicolas Torre III bilang …

explosion Explode

Kabahayan, mga bus nasira dahil sa pagsabog ng ‘deadly firecracker’; 4 timbog, 1 pa pinaghahanap sa Bulacan

NAARESTO ng mga awtoridad nitong Sabado, 3 Enero, ang apat na kalalakihan habang hinahanap ang …