Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Military honors iginawad kay Amb. Lucenario

DUMATING na sa bansa ang labi ni Philippine Ambassador to Pakistan Domingo Lucenario Jr. na namatay sa helicopter crash sa Gilgit region ng Pakistan.

Pasado 7 a.m. kahapon nang lumapag sa Villamor Airbase ang isang espesyal na C-130 plane ng Pakistan lulan ang labi ni Lucenario.

Binigyan ito ng military honors ng Philippine Air Force.

Kasamang naghatid ng labi pauwi sa Filipinas ang biyudang si Atty. Nida Arada-Lucenario at ang kinatawan ng pamahalaan ng Pakistan.

Habang isa sa mga sumalubong ay si Justice Sec. Leila de Lima, gayon din ang mga anak ng ambassador.

Samantala, ngayon itinakda ang public viewing sa labi ng yumaong ambassador na ibuburol sa Heritage Park sa Taguig.

Habang 10 a.m. ng Biyernes dadalhin ang labi ng ambassador sa tanggapan ng  Department of Foreign Affairs para sa isang memorial service o pagbibigay pugay ng mga nakatrabaho.

Ihahatid sa kanyang huling hantungan si Lucenario sa Holy Cross Cemetery sa Novaliches, sa Linggo ng umaga.

Si Lucenario kasama ang ambassador ng Norway, maybahay ng mga ambassador ng Malaysia at Indonesia ay namatay nang bumagsak ang sinasakyang helicopter habang patungo sa isang tourism project na pasisinayaan kasama si Prime Minister Sharif.

Batay sa imbestigasyon ng Pakistan military, nagkaroon ng engine trouble ang helicopter bagama’t sinabi ng militanteng Taliban na sila ang nagpabagsak sa helicopter.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Laoang Northern Samar PNP

Sa Laoang, Northern Samar
P.1-M cash, alahas isinauli ng nakapulot na magsasaka

PINURI ng pulisya at netizens ang isang magsasaka nang isauli ang napulot na bag na …

Maria Catalina Cabral

DPWH Ex-Usec. Cabral patay sa Tuba, Benguet

HATAW News Team PATAY ang dating opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH) …

Marikina

Pamamahala sa trapiko at seguridad sa Pasko, tututukan ng Marikina LGU

BILANG paghahanda sa inaasahang pagdagsa ng mamimili at motorista ngayong Christmas season, iniutos ni Marikina …

Water Faucet Tubig Gripo

Tserman ‘di nagbayad ng bill  
Tumana residents pinutulan ng supply ng tubig

MAAARING mag-Pasko na walang tubig ang mga residente ng Barangay Tumana sa Marikina City matapos …

JV Ejercito BIR LOAs

Sen. JV Ejercito hindi pinalampas BIR hearing kahit nasa ospital

NAGAWANG makadalo sa pamamagitan ng virtual hearing si Senator JV Ejercito sa pagdinig ng Blue …