‘Yan pa yata ang masaklap na kapalaran ngayon ng anak ng naka-hoyong Senador Bong Revilla na si Jolo.
Mukhang masusing pinag-aaralan ngayon ng Department of Justice (DOJ) kung paano sasampahan ng kaso si Jolo dahil ginamit niya ang service firearm na inisyu ng gobyerno sa ‘indiscriminate firing.’
Ito po ‘yung panahon na napabalitang nag-suicide ang Vice Governor ng Cavite na si Jolo pero pagkaraan ay sinabing ‘accidental firing’ umano.
Kamakalawa kasi, kinasuhan ng Muntinlupa police ang tatlong (3) doktor ni Jolo at apat (4) security guards ng Asian Hospital dahil hindi nila iniulat sa pulisya ang insidente.
Kinasuhan din ng pulisya ng administrative charges ang tatlong attending physicians ni Revilla sa Asian Hospital.
‘Yan ay dahil tumanggi ang mga doktor na magbigay ng impormasyon kaugnay sa kondisyon ni Jolo.
Nalagay sa panganib ang buhay ni Jolo dahil sa nasabing insidente, at ngayon naman ‘e mukhang sasampahan pa siya ng kaso.
Tsk tsk tsk… kapag inaabot nga naman ng alat…