Tuesday , November 19 2024

Hindi pa pagod sa katatakbo si Leon Guerrero

LITO LAPIDSA LOOB ng 12 taon panunungkulan sa Senado, aba ‘e nalulungkot pa raw si Senator Lito Lapid a.k.a. Leon Guerrero dahil hindi pala siya ‘fit’ sa pagiging Senador dahil wala siyang college education.

 Ang tagal naman ng realisasyon mo, Leon Guerrero.

Pero ito ang classic na hirit…kaya ipapasa na lang daw niya sa anak niyang si Mark Lapid ang pagiging senador.

What the fact!?

Ang lakas pala ng sense of humor mo Leon Guerero! Napatawa mo ako nang malakas doon, ha!

Mantakin mong sa loob ng 12 taon ‘e ikaw pa ang nalungkot?!

‘E kaming mga botante dapat ang magsabi niyan, hindi ikaw.

Ang dami mo nga raw nabutas na silya sa Senado. Ang dami mong naubos na pondo at higit sa lahat maraming nabingi sa sobrang katahimikan mo.

Tapos ngayon mo lang na-realize na hindi ka karapat-dapat sa posisyon na ‘yan?!

Sonabagan!

‘E mukhang luging-lugi ang taong bayan sa iyo Mr. Senator!?

Ngayon naman ay balak mo pang tumakbong Mayor sa Angeles City, dahil tinitiyak mo ngayon na kayang-kaya mong maging mayor?!

Sa pelikula siguro, puwede, maniniwala akong kaya mo. Pero sa totoong buhay?! I doubt, again and again, Mr. Leon Guerrero.

‘Yun kasi ang problema ninyong mga artista na nag-aambisyong maging politiko, akala ninyo papel lang sa pelikula ang pagsungkit ng puwesto sa gobyerno.

Natural na makahahamig ka ng popular votes, ta-artits ka nga ‘e.

At ‘yun naman sana ang ikonsidera ng mga kagaya ninyo Mr. Leon Guerrero. Kung alam n’yo naman na wala kayong  kakayahan, huwag ninyo ambisyonin ang posisyon… maawa naman kayo sa constituents.

Mapagod ka naman sa serbisyo publiko ‘kuno’ mo… Hindi naman kabayo ang mga botante para pasanin ka pagkatapos ‘e ikaw lang ang nagkakamal!?

Ikaw din, baka unang mapagod ang kabayo mo iwanan kang mag-isa at magmukha kang kawawang koboy.

Aru!

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *