Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Hey, Jolly Girl (Part 9)

00 jollyNAHULOG SA BITAG NI JOLINA ANG BOSS NA SI PETE

Hinawakan siya sa kamay nito: “’Lam mo bang pinaligaya mo ‘ko nang tanggapin mo ang offer ko?”

Ngumiti lang siya ulit.

“At ako na siguro ang pinakamaliga-yang nilalang sa buong mundo kung papayag kang maging partner ko,” hirit ni Pete.

“Wala naman akong maisososyo sa business mo, e…”

“Ibig kong sabihin, kapag naging partner in life kita, Jo…”

Lihim na ikinagalak iyon ni Jolina. Kusa nang pumapasok si Pete sa kanyang bitag. Pero kinakailangan pa rin niyang mag-inis-yatiba upang todo-todong masilo. Naroon ang pasimpleng pagpukaw niya sa atensi-yon ng binata sa pag-upo-upo ng de-kuwatro sa harap nito. Naroong sagi-sagiin niya ito. O ipagkiskisan ang katawan niya kapag nagkakatabi ito sa upuan. Dahil umiibig at lalaking-lalaki sa tunay na kahulugan, bigla na lang kumawala ang damdamin nito.

Nakita ni Jolina ang mabilisang pagla-lock ni Pete sa pintuan ng kanilang opisina. At paglapit na paglapit sa kanya, walang sabi-sabi siyang niyakap nito nang buong higpit. Nanibasib ito ng halik, pakuyumos na sinagpang ang kanyang mga labi. Handa siya sa mga mangyayari. Kunwa-kunwarian lang ang malalay niyang pagtutol sa kapangahasan nito. At naganap ang ina-asahan niyang kadulu-duluhan niyon.

Pinilit ni Jolina na maiyak.

“Paano na ako ngayon?” paglulungkot-lungkutan niya.

“Mahal na mahal kita, Jo… Handa kitang pakasalan ano mang oras,” pang-aalo sa kanya ni Pete.

“Baka sabi mo lang ‘yan, ha?” umarte rin pati boses niya.

“Makikipag-usap agad ako sa mommy at daddy mo,” si Pete, nanghawak sa palad niya.

“Kelan, Pete?” usisa niya.

(Itutuloy)

 

ni Rey Atalia

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

PCSO MMDA Patient Transport Vehicles PTV

Patient Transport Vehicles (PTVs) inihandog ng PCSO  sa Metro Manila 17 LGUs

LAHAT ng 17 lokal na pamahalaan sa Metro Manila ay nakatanggap ng tig-isang Patient Transport …

Araneta City

Happenings in Araneta City (Dec. 3 to 10, 2025)

We are pleased to share with you the list of events and activities in Araneta …

Pizza Hut Ultimate Cheesy 8 Pizza

The Ultimate Cheesy 8 Pizza is Pizza Hut’s cheesiest creation yet
Made with 8 cheeses, this festive number is bound to be the centerpiece of any celebration

When it comes to the Filipino holiday spread, no other ingredient is as joyful and …

DOST NorMin Recognizes Media Partners during CEST Program Media Conference

DOST NorMin Recognizes Media Partners during CEST Program Media Conference

DOST Northern Mindanao gathered its valued media partners for the CEST Misamis Oriental Press Conference …