Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

6-month freeze order vs Binay assets — CA

AGAD na epektibo ang ipinatupad na freeze order ng Court of Appeals (CA) sa bank accounts at assets ni Vice President Jejomar Binay at iba.

Nag-ugat ang utos ng CA makaraan katigan ang petisyon ng Anti-Money Laundering Council (AMLC) na i-freeze ang bank accounts ng pangalawang pangulo na umaabot sa P600 million.

Nasa 242 banks accounts ni Binay, securities at insurance accounts ang sakop ng utos.

Ang kaso ay may kaugnayan sa imbestigasyon na isinagawa ng Office of the Ombudsman dahil sa sinasabing anomalya sa pagpatayo ng Makati City Hall Building II.

Sinasabing ito raw ay overpriced ng P1.3 bilyon at  maging ang Makati Science High School.

Ang kaso ay dahil sa inihain noon sa Ombudsman nina Atty. Renato Bondal at Nicolas Enciso na kapwa dating mga barangay kapitan.

Sa 33 pahinang order na may petsa na Mayo 11, nakapaloob sa utos ng CA maging ang bank accounts nina Makati Mayor Jejomar Erwin “Junjun” Binay Jr., misis ng pangalawang pangulo na si Elenita, sinasabing tumayong dummies na sina Gerardo Limlingan, Eduviges Baloloy, Antonio Tiu, Lily Hernandez Crystal, Carmelita Palo Galvan, Francisco Balaguer Baloloy, Bernadette Cezar Portollano, Mitzi Sedillo, Margeurite Lichnock, Melissa Gay Castañeda Limlingan, Victor Limlingan, James Lee Tiu, Pee Feng Lee, Ann Lorraine Buencamino Tiu, Frederick Dueñas Baloloy, Mario Alejo Oreta, Jose Orillaza, Daniel Subido, Man Bun Chong, Joy Mercado at Omni General Services Inc.

Maging ang bank account nang tinaguriang whistleblower na si dating Vice Mayor Ernesto Mercado ay kasama rin sa ipina-freeze ng korte.

Tinukoy sa desisyon ng korte na sang-ayon sila sa findings ng AMLC na may probable cause na ang joint bank acounts at investments ng mga nabanggit ay sangkot sa “unlawful activities.”

CA order vindication, validation sa senate probe — Pimentel, Trillanes

NANINIWALA si Sen. Aquilino “Koko” Pimentel III na “vindication” sa imbestigasyon ng Senate blue ribbon subcommittee ang kautusan ng Court of Appeals (CA) na pag-freeze sa bank account ng mga Binay.

Ayon sa chairman ng sub-committee, ang hakbang ng korte ay resulta ng findings ng Anti-Money Laundering Council (AMLC) at Ombudsman dahil sa mga imbestigasyon ng kanilang komite.

Gayonman, aminado si Pimentel na ang pag-freeze sa 242 bank accounts ni Vice President Jejomay Binay, mga kamag-anak at dummies ay hindi pa maituturing na indikasyon ng kanilang guilty o hindi sa mga alegasyon.

Nais lamang aniyang makasiguro ng korte na hindi masisimot ang ano mang mga kayamanan na para sa gobyerno sakaling totoo ang lumabas sa mga imbestigasyon.

Bukod dito, ito ay temporaryo lamang sa loob ng anim na buwan.

Habang para kay Sen. Antonio Trillanes IV, isa rin sa mga kritiko ng pangalawang pangulo, ang pag-freeze sa bank accounts ay “validation” sa kanilang ginagawang imbestigasyon.

Nais ni Sen. Chiz Escudero na magpaliwag at ‘wag isantabi lamang ni Binay ang mabigat na mga alegasyon.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Goitia

Goitia: Gawang-Pilipinas na COBRA System, Hudyat ng Bagong Yugto sa Pambansang Depensa

Ang pag-turn over ng gawang-Pilipinas na Controller Operated Battle Ready Armament (COBRA) automated weapon system …

fake news

Walang pasok sa 26 at 29 Nobyembre fake news — Recto

FAKE NEWS ang Memorandum Circular 47 na nagsasabing walang pasok sa mga tanggapan ng gobyerno …

Money Bagman

AICS ng DSWD ‘kinupitan’ 14 barangay execs sinampahan ng kaso

NAGHAIN ng reklamo ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa Office of the …

Vigor Mendoza LTFRB

LTFRB Ch Mendoza pumalag vs 3 insurance management ng IC

MISMONG si Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Chairman Vigor Mendoza ang humiling sa …

SM Supermalls VFS Global FEAT

SM Supermalls and VFS Global Seal Partnership to Bring Visa and Travel Services Closer to Filipinos

Executives Shaking Hands. SM Supermalls and VFS Global leaders seal the partnership with a handshake …