Tuesday , November 19 2024

“Express” Lifting Blacklist Order (Attention: SOJ Leila de Lima)

wong iek manNITONG nakaraang Lunes, isang Chinese national na nagngangalang WONG IEK MAN ang hinarang sa Customs Cebu inspection area sa MCIA matapos makita sa X-ray ang ilang plastic ng powdered substance sa kanyang dala-dalang mga bagahe.

Napag-alaman na si WONG IEK MAN ay inilagay sa Blacklist Order ng BI nito lang January 14 (2015) sa kasong paglalabas-pasok sa Pilipinas bitbit ang maraming Chinese nationals pero kapag lumabas naman ng bansa ay hindi na niya kasama.

So, may posibilidad na human trafficker ang nasabing tsekwa.

Sa Blacklist Order na inilabas ng BI Legal Division, may provision na dapat tumagal nang isang taon bago mag-apply ng lifting si WONG IEK MAN.

Pero laking gulat ng BI-MCIA Immigration officers nang ipresenta ni WONG IEK MAN ang dala niyang Lifting Order na nagsasaad na wala na siya sa Blacklist Order simula nitong April 24 (2015).

What the fact!?

Ibig sabihin tatlong (3) buwan lang tumagal ang kaso nitong si WONG IEK MAN ay pinera ‘este pinayagan na agad ng BI-OCOM na ipa-lift ang blacklist laban sa kanya!?

Considering na suspected human trafficker ang nasabing tsekwa, hindi dapat agad pinayagan ng bright boys sa BI-OCOM na muling maglabas-pasok ng bansa bitbit ang sandamakmak na tsekwa galing sa mainland China!

Paano pa kung ang powder substance na nahuli kay WONG ay nag-positive na illegal drugs!? Paano kung ang mga kasama niya ay involve pala sa sindikato ng droga, e ‘di lalong naging happy ‘yang tsekwa na ‘yan?!

Sino ba talaga ang nagkapera ‘este dapat tanungin sa pagkaka-lift ng kaso ni Wong? Ang Legal ba, BSI, o mismong ang OCOM???

Na-violate ba ‘yung provision sa Immigration Administration Circular No. SBM-2014-001 paragraph D!?

Ang dami pang pa-ek-ek ng lifting order ni WONG, kesyo humanitarian, economic, poltical reason pa raw kaya dapat i-lift ang BLO n’ya?!

Kung mismong OCOM ang nag-violate sa provision of one (1) year bago ma-lift ang kaso nitong si WONG IEK MAN, hindi kaya napalusutan si Mison ng mga tao niya sa OCOM?

Ano sa palagay mo, Atty. Pizza ‘este Plaza??

Pero knowing, kung gaano kagulang ‘este katalas itong si Freddie Boy Mison, mukhang imposible na mapalusutan nang gano’n-gano’n na lang ‘di ba?

Sa mga ganitong pangyayari, talagang maliwanag na may palakasan diyan sa Bureau kahit na mabigat pa ang kaso ng involved na foreigner.

Hindi kaya mas mabuti pa kung iutos na lang ni Sec. Leila De Lima na sa DOJ na lang i-process ang mga lifting ng Blacklist para siguradong walang areglohan at by the merits na lang ang magiging basis ng lifting of blacklist?

Maiiwasan din na makapag-penetrate o makapagdikta sa OCOM ang ilang malalakas na law offices o lawyers lalo na at kadikit ng ilang lawyers diyan!?

Lumalabas tuloy, “the one who makes the rules, break the rules” ba?

SOJ Leila De Lima, marami na tayong na-ririnig na talamak ang bentahan ng lifting ng blacklist order diyan sa BI.

Dapat na sigurong magbuo ng investigating panel para imbestigahan ‘yang ‘lifting-for-a-fee’ na nangyayari ngayon diyan!?

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *